Sabado, Marso 5, 2016

Unknown

Alden's touching message to Maine: 'Hindi kita pababayaan.

Bukod sa kasiyahan at kilig sa selebrasyon ng ika-21 kaarawan ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga nitong Sabado, may naganap ding mga rebelasyon tulad ng pag-amin ng Dubsmash Queen na ilang araw na siyang nagtatampo kay Alden Richards. Sa unang selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa telebisyon bilang celebrity, kasama sa naging sorpresa ng Eat Bulaga kay Maine ang pagbabalik-tanaw sa kaniyang pagsisimula bilang Yaya Dub noong Hulyo 2015 sa kinagigiliwang kalyeserye.
Si Jose Manalo, aka Lola Tinidora sa kalyeserye, inilahad na tinakot niya si Maine nang ipaalam sa kanila ng staff na makakasama na ang dalaga bilang si Yaya Dub. Pabirong ipinarinig umano ni Jose na, "baka hindi marunong umarte 'yan ha, pauwiin n'yo na." Pero hindi naman nabigo sina Jose, Wally Bayola at Paolo Ballesteros o JoWaPao ng Sugod- Bahay segment, dahil tinanggap ng mga manonood si Yaya Dub, hanggang sa mabuo na ang tambalang AlDub nina Maine at Alden Richards. Bukod naman sa mga regalo, may madamdaming mensahe si Alden kay Maine dahil na rin sa mga pagsubok na hinaharap ng mainit nilang tambalan. - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/557940/showbiz/chikaminute/alden-s-touching-message-to-maine-hindi-kita-pababayaan#sthash.URYHsVOS.dpuf
"Alam ko marami tayong nagiging detractors, tayong dalawa. Minsan dahil dun sa mga detractors na 'yan pati tayo hindi nagkakaintindihan," paglalahad ni Alden sa harap ni Maine. Sabi pa ng binata, gagawin niya ang lahat para sa dalaga para magkasama nilang matupad ang kanilang mga pangarap. "Gusto ko lang sabihin sa'yo, lahat gagawin ko, yung mga wish mo, wish mo sa'ken, wish natin para sa ating dalawa. Gagawan ko nang paraan 'yan, saka kahit nasaan ka pa darating ako," saad ni Alden kay Maine. Hiniling din niya kay Maine na huwag silang padadaig sa mga nais sumira sa kanila. "Basta nandito lang ako, hindi kita pababayaan. Lahat ng sinasabi ko sa'yo totoo," patuloy ni Alden na dinuktungan pa niya ng "AIDub You." Bukod sa mga regalo, labis na na-appreciate ni Maine ang mga sinabi ni Alden. Inamin din ni Maine na ilang araw na siyang nagtatampo sa binata. "Alam mo," natatawang sambit ni Maine kay Alden. "Share ko lang, nagtatampo kasi ako dito (kay Alden). Four days na akong nagtatampo sa kaniya. Secret na yung rason kung bakit." Ayon kay Maine, marami siyang nais sabihin kay Alden pero batid na raw ito ng binata dahil dama at alam niya ang pagmamalasakit nito sa kaniya. "Maraming salamat, alam ko naman nandyan ka lang lagi," nakangiting tugon ni Maine kay Alden. Si Alden naman, nakatingin sa mga mata ni Maine na inulit ang kaniyang pahayag na, "basta kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita." -

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :