Ipinapakita ang mga post na may etiketa na SHOWBIZ. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na SHOWBIZ. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Mayo 10, 2016

Unknown

Alden Richards at Maine Mendoza, nagsimula nang mag-shoot ng kanilang pelikula sa Italy

 Linggo, May 8, dumating sa Italy ang Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza, kung saan agad din silang nagsimula para sa unang araw ng shooting ng kanilang pelikulang may tentive title na “Imagine You and Me”.
Ang nasabing pelikula ay idinidirek ni Mike Tuviera at kasama nilang lumipad patungong Italy ang 35 crew member.
Narito ang ilan sa mga behind-the-scene photos na aming nakalap sa official Facebook page ng AlDub.





Read More
Unknown

Litrato nina Maine Mendoza at Alden Richards kasama ang isang airport personnel, nakadi-dismaya

We were kinda disappointed when we saw a photo of Maine Something and Alden Richards with an airport staff.
One female staff proudly posted her photo with the two Kapuso stars na kuha sa airport as the two Kapuso stars were about to fly to Italy recently.
“Aldub is all humility. They were held by airport people to pose for pictures and still they say “thank u po”,” say pa niya sa caption.
The photo sends a wrong signal. It was saying that it’s okay lang for airport staff na magpakuha ng photo kasama ang ilang celebrities during their duty.

Actually, parang naging practice na ito sa airport which leaves a bad taste in the mouth. Kapag hindi kasi nagpa-picture ang isang artista ay sasabihan siyang maarte, suplado, at kung anu-ano pa.
We remember Julia Montes na itsinismis ng isang airport staff na suplada dahil lang hindi nagpa-picture sa kanya. When  the staff learned na isang reporter ang kausap niya ay kaagad niyang itsinika na nagsuplada si Julia at hindi nagpakuha ng picture sa kanya.
Bakit, kailan pa naging SOP sa airport na dapat magpakuha ng photo with you ang celebrities na aalis na bansa?
Ang atupagin n’yo ay ang trabaho ninyo, ‘no!

Ang kakapal n’yo!
Read More
Unknown

KC Concepcion, ‘Mr. Right’ na nga ba ang Azkals player na si Aly Borromeo?

Bongga naman ni KC Concepcion na openly ay tanggap na ni Megastar Sharon Cuneta ang manliligaw (or boyfriend na?) ng dalaga, ang guwapong Azkals player na si Aly Borromeo.
Straight si Aly. Macho, brusko, at walang bahid ng pagkukunwari, sabi ng mga intrigero’t intrigera sa showbiz na nakakita sa binata up close. Tahimik lang daw ito. Pangiti-ngiti, pero ang lakas ng sex appeal.
Sa isang event kamakailan ng Megastar, kasama ni KC Concepcion si Aly at puring-puri siya ng kanyang “future mother-in-law” ‘pag nagkataon at nagkatuluyan.
Guwapo ni Aly. Ang kaguwapuhan na ‘yun ay ang tipo ng pagiging good-looking na hinahanap ng dalaga na si KC.


I hope na sana, ito ang Mr. Right na hinahanap ni KC, after her two failed showbiz relationships (Piolo Pascual at Paulo Avelino) na hindi counted ang singer na si Rico Blanco noong hindi pa showbiz ang dalaga ng Megastar.
Read More
Unknown

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, absuwelto agad sa isyu ng ‘ballot selfie’

Maaga pa lang, nag-check na ako ng social media account ko. Mga 9:00 ng umaga pa lang, may ilan nang mga showbiz celebrities natin ang nag-post na ng kanilang maagang activity during Election Day.
Nag-participate ang mga celebrities natin sa botohan na ipinakita ang kanilang mga daliri na minarkahan ng “blue” ink.
Ang ilan sa mga maagang nag-exercise ng kanilang kaparatan bilang botante ay sina Anne Curtis, Julia Barretto (first time voter), Lorna Tolentino, Glenda Garcia and Melisa Mendez, mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino, Iza Calzado, Ruffa Mae Quinto, Robin Padilla at misis na si Mariel Rodriguez, Sanya Lopez (of GMA 7), komedyanteng si Pooh, Mike Tan, Dolly Ann Carvajal, at marami pang iba.
Maaga ring bumoto as first time voters sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga presinto.
Pero as of 10 ng umaga pa lang, ang dalawa na ang hottest violators (KathNiel) na hindi sinunod ang Comelec ruling ng “pagse-selfie” na nagpa-picture na hawak-hawak at ipinakikita ang kanilang mga balota.
Sa ruling ng Comelec, bawal ang “selfie” with your ballot. Pero ang diskurso ng ibang pilosopo na kung susundin literally ang ruling, hindi nga selfie ‘yong ginawa ng dalawa dahil hindi naman sila ang kumuha ng picture nila habang hawak-hawak ang kanilang balota, bago nila ito ilagay sa machine para mapabilang ang kanilang boto kundi kinuhanan sila ng litrato.
May nagsasabi na hindi pa raw shaded ang mga balota ng dalawa nang magpakuha sila ng litrato kaya wala raw violation na ginawa ang KathNiel.
“Hindi kasi nagbabasa. Nagmamarunong pa. Dapat tutukan ito ng Comelec para hindi tularan ng iba na sa susunod pa na mga eleksyon,” komento ng isang netizen na nakapansin din sa pictures ng dalawa.
Sa kaso ni Kathryn, naganap ang “selfie” niya with her ballot sa presinto niya sa North Susana Subdivision Clubhouse, kung saan same precinct sila nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ng aktres na si Angel Locsin.
Nakarating na sa kinauukulan ang mga photos ng dalawa na may pahayag si Mr. James Jimenez ng Comelec sa Philstar.com: “For those who willingly and obviously, very openly displayed their ballot, we need to talk.”
Pero may mensahe sa kanyang IG account ang publicist ng KathNiel na si Dominic Rea. Message niya: “Nagsalita na po ang COMELEC! No violation for KathNiel! Sana matapos na ito! Salamat Po.”
We just hope totoo ang official statemet na ito (ayon sa publicist ng dalawa) ng Comelec ayon sa mensahe na gustong itawid ng publicist nina Kathryn at Daniel.
Sa sobrang kaabalahan ni Mr. James Jimenez, ang bilis naman ng pagre-review sa complaint ng ilan sa dalawa na mapawalang-sala sina Kathryna t Daniel. Hahaha!

Si Robin Padilla, isinasabit din sa isyu ng pagkuha ng itrato sa balota niya na shaded na. Matutukan nga ang istoryang ito. Ang saya-saya.
Read More

Miyerkules, Mayo 4, 2016

Unknown

Jason Francisco at Melai Cantiveros, handang patawarin at bigyan ng second chance ang pro-Duterte basher na isa palang DH

Hindi pa sigurado ni Jason Francisco kung itutuloy nila ni Melai Cantiveros angdemanda sa basher na supporter ni Duterte na nagbigay ng controversial comment sa anak nilang si Baby Mela.
“Well, hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. Siguro puwedeng mag-usap sila (Melai) in person…
“Hindi naman kami ganu’n ka-ano… puwede namang hindi matuloy, eh, kaya lang, ang gusto po kasi niya (Melai) ay makita ng tao kung gaano kahalaga ‘yung epekto ng bullying, ‘yung parang ganu’n. Para ‘yung iba aware, ‘di ba? Lalo pa ngayong nakikita siya sa TV, marami siyang palabas.
“Lesson na rin siguro ito sa iba na hindi dapat nagsasalita nang ganu’n at saka hindi po ‘yun maganda talaga,” pahayag ni Jason.


Kung siya raw ang masusunod, ayaw na niya sanang ituloy ang demanda, lalo na nu’ng nalaman niyang domestic helper ‘yung nam-bash kay Melai at sa kanyang anak.
“Kasi iniisip ko rin po yung tao ay DH, parang katulong po ‘yun ‘di ba sa ibang bansa. Siguro po… saka po ‘yung isa (Melai Cantiveros) hindi po ‘yun mahirap na kausap. Ayoko naman po na anuhin ‘yung tao, siyempre nagtatrabaho rin siya. Open-minded naman po kami, nakikinig naman kami sa iba.
“Ang gusto lang po namin ay awareness sa lahat na. Pero kung patatawarin po, open po ‘yun, kasi kawawa rin naman. Alam mo naman, ang tao nagkakamali talaga kaya kailangan din ngsecond chance,” paliwanag  pa niya.
Napanonood si Jason Francisco sa “My Super D” at si Melai naman sa “We Will Survive” at sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Jolina Magdangal at Karla Estrada.

Read More
Unknown

Shaina Magdayao, na-trauma kay John Lloyd Cruz?

Hindi ko alam kung na-trauma si Shaina Magdayao sa relasyon nila noon ni John Lloyd Cruz na nauwi sa hiwalayan at kung anu-anong katsismisan na tatawan mo na lang dahil parang pinaglaruan ang dalawang magsing-irog noon ng tsismis at medyo may kabastusang balita na alam mo namang hindi totoo.
Kaya ko nabanggit na parang na-trauma ang dalaga, dahil after Lloydie, parang wala akong nabalitaang may nakarelasyon openly si Shaina Magdayao.
Si Piolo Pascual, umeksena sa kanya na alam mo naman na paandar lang. Si Sam Milby, ganu’n din, may ligaw effect, pero alam ko, walang seryosong kauuwian ang “panliligaw” ng binata. Masasayang lang ang oras ni Shaina sa dalawa.
Hindi man napag-uusapan ang mga manliligaw ni Shaina na mga non-showbiz guys, aminado siya na meron namang aali-aligid sa puso niya. Sabi nga niya sa presscon ng “My Candidate”, kung saan si Derek Ramsay ang kapareha niya, thankful siya dahil marami rin namang nakaa-appreciate sa kanya.

Pero paniwala ng dalaga na kung darating talaga ang tamang lalaki sa buhay niya ay uukol talaga.
“I guess, it’s really the timing. Wrong timing siguro kasi nga marami akong ginagawa. Malalaman n’yo rin kung kalian ako magkakaroon ng boyfriend. Bakit ko itatago. Ipagsisigawan ko ‘yan,” napapangiting kuwento niya.
Sa sobrang kabisihan ni Shaina, no time for love talaga siya at kung meron man, saan paasok ang “lovelife” gayong may serye siya sa Cinema One with Mateo Guidicelli at isang mala-action indie film with Enrique Gil. May panahon pa kaya siyang magka-lovelife?
Sa panahong maganda ang takbo ng career ngayon ni Shaina, malamang sa hindi, naniniwala na siya na kung si Mr. Right ay kakatok at nasa right timing, why not?
Everyone needs love. Everyone deserves to be happy!


Read More
Unknown

Mga kasinungalingan daw ni Sen. Grace Poe, isisiwalat ng mga kapatid ni Susan Roces na nasa bansa ngayon


May nakarating sa amin na balita na hindi lang pala ang isang kapatid ni Susan Roces na si Rosemarie Sonora (ina ni Sheryl Cruz) ang nasa bansa ngayon para “magbakasyon”, kundi ang ilan din sa mga kapatid ni Ms. Susan na biglaang umuwi sa bansa. Diumano sa kuwento, may hinahabol silang ari-arian ng pamilya nila na biglaan ay na-transfer sa pangalan ni Sen. Grace Poe.
May kuwento noong una na kaya naririto sa bansa si Rosemarie ay para magsalita against sa kapatid na si Susan at sa pamangkin na si Grace, tungkol umano sa hindi magandang “facts” o katotohanan na makasisira sa kandidatura ng senadora na nangangarap maupo sa Malacañang.
Ang sitsit sa mga kapatid ni Ms. Susan Roces na naka-schedule na dumating sa Pilipinas bago maghalalan sa Lunes, May 9, ay magpapatawag diumano ang mga ito ng press conference sa darating na Sabado para isiwalat pa ang ilang mga impormasyon na hindi umnao magustuhan ng mag-inang Susan at Grace.


Bukod sa hinahabol na ari-arian, may bomba na isisiwalat ang isang kapatid na lalaki ni Ms. Susan na matagal na umanong nagtitimpi sa mga kasinungalingan na pinagsasabi ng mag-ina para sa magandang imahe ni Grace Poe, na para sa nakararami na may alam ay isang kabaliktaran lang pala ng kuwentong katotohanan.

Read More
Unknown

Basher ni Melai Cantiveros, biglang kambiyo; na-hack daw ang FB

Melai Cantiveros’ basher named Shawie Constantino Enriquez denied na siya ang nag-wish na ma-rape ang anak ng komedyante.
“Sa mga nakaalam po ng balita tungkol sa amin ni Ms. Melai Cantiveros, nais ko pong ipaalam sa inyo na hindi po ako ‘yung taong nagmessage sa kanya. Hindi ko po nila-log out ang fb account ko sa cellphone ko, pero nung sabado po ng gabi nagtaka ako dahil andaming nagpapaadd sa fb ko at nagtatag ng mga pictures ko na kung saan sinasabing nagmessage ako kay Ms. Melai. Pagkatapos po nun hindi ko na mabuksan ‘yung dating fb account ko. Ako po at nagulat at sobrang nanlumo noong nakita ko ang mga lumalabas na balita.
“Legit account ko po ‘yun kaya hindi ko po magagawa ang bagay na ganun sa aking kapwa lalo na sa isang artista. Tahimik po akong nagtatrabaho para sa aking pamilya. At may mga magulang at pamangkin po ako kaya hinding hindi ko po magagawa ang bagay na ‘yun. At higit sa lahat malaki po ang takot ko sa Diyos.
“Maaaring may mga hindi maniniwala, pero ito po ang totoo. Hindi na po ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa pangyayaring ito. Nakausap ko na din po ang mismong nanay at pinsan ni Ms. Cantiveros. Ipinaliwanag ko na po ang side ko sa knila. Hinihintay ko na lamang ang pagkakataong makausap ko si Ms. Melai. Panahon po ngayon ng pangangampanya, ang mga hackers ay walang pinipiling tao makapanira lamang ng kahit na sinong kandidato.

“At ako po ay nananawagan kay Ms. Melai na sana huwag agad maniwala at buksan ang isip sa iba pang mga posibilidad sa bagay na ito. Ako po ay sobrang apektado dahil sa isang bagay na hindi naman po ako ang talagang gumawa. Nahack at nagamit lamang po ang fb account ko na iyon at wala na po akong paraan para mabuksan. Biktima lamang po ako. ‪#‎TheRealShawieConstantinoEnriquez”
Kaya lang, walang naniwala sa kanyang alibi.
“i dont think she was telling the truth..palusot na lang yan na hindi daw naglolog out, so ano yung phone nya nanakaw bigla? nauso na yung hack hack account na palusot.. sya yon walang iba. connected ako sa kanya, grabe sya sa mga comments even before pa”.
“www.palusot.com/hulikanakasi style nyo bulok! Malalaman naman yan ng NBI cyber crime kung talagang na hack ang fb mo inday!”

“Wow teh. Showbiz na showbiz ampeg. Nakikiline up kila Angelica, Elmo, Alezzandra at Camille. Push mo yan!! Ang daming bashers na Duterte fans ang may gamit ng real accounts nila kaya magsilbing lesson sa inyo yan.”
Read More
Unknown

Luis Manzano, trying hard na inili-link pa rin kay Angel Locsin


\Kaloka kung totoo man ang balitang nakarating sa amin. Trying hard na or shall I say pilit na pilit na inili-link pa rin si Luis Manzano sa buhay ni Angel Locsin.
Sa isang showbiz online portal ng isang TV Network, halos lahat ng anggulo ay pigang-piga na gusto pa rin nilang gawan ng koneksyon ang aktres at ang kanyang ex-boyfriend.
Sabi nga ng mga beki sa isang gay chatroom: “Trying hard na para maging masculine ang dating ng tsika. Di ba wa na nga talk si Angel sa split up nila ni Luis, para tumigil na? Saan pa ang hinalukay na mga kaekatan na isinasama pa an pangalan ni Luis sa pagbabagong buhay ni Angel?
“Tama na no! Masyado na trying hard para hindi lumabas ang sisi na kay Luis Manzano o si Luis ang dahilan ng hiwalayan.

“The fact na split na sila at tahimik na ang buhay ni Angel Locsin, para saan pa na i-link muli ang TV host sa aktres? Ano ito, imaging ni Luis para hindi sa kanya mapunta ang sisi at para mamatay ang dapat mamatay kung ano man ang mga Secrets of Pura or mga Lihim ng Guadalupe?”
Galit ang isang grupo ng mga beki na close sa aktres na masyadong nasaktan si Angel sa ipinalalabas ng ibang kampo na siya ang sinisisi.
“Kung pwede lang magsalita, magsasalita ako. Ako naman e hindi pikon. I’m very transparent. Yes, I admit, I’m 100% gay. Kung alin ang totoo, yun ang malalaman mo na walang cover-up. Yes, yong totoo lang, ” sabi nito.

Sa ganang akin, tila may mensaheng gustong itawid ang beking kaibigan na nakilala namin sa isang chatroom. Gusto niyang iparating sa lahat ang mensahe na kung bakla ka, for sure getz mo na ang gusto niyang itawid na sitsit.
Read More

Huwebes, Abril 28, 2016

Unknown

Maine Mendoza, nahipuan sa pinuntahang barangay; Alden Richards, galit na galit dahil walang nagawa para sa ka-love team


Alden Richards was seething with anger when he learned na nahipuan si MaineSomething sa isang barangay para sa isang segment ng noontime show nila.
One popular website uploaded photos from a fan of Maine which showed the TV personality na galing sa pag-iyak.
Ang chika, iyak daw nang iyak si Maine Mendoza matapos siyang mahipuan nang mag-cover sila sa isang barangay. Sadly, hindi naman pinangalanan ang barangay na pinuntahan nila para sa isang segment ng noontime show nila.
Kitang-kita sa photos culled from theFacebook account of a female fan na mugto ang mata ni Maine. She was talking to some staff of her noontime show na tila mga inutil at walang nagawa.

Alden was furious when he learned na nangyari ito kay Maine. Wala siyang magawa kasi nasa Broadway siya.
Ang alam namin ay ang younger brother ni Maine ang personal bodyguard niya. Nasaan siya nang mangyari ang panghihipo? At ano rin ang silbi ng sandamakmak na bodyguards na bigay sa kanya ng noontime show niya? Anong klaseng bodyguards ang mga ‘yan, nahipuan ang kanilang binabantayan at wala silang nagawa?
Say nga ng fan ni Maine ay ibalik na lang sa Broadway ang dalaga para hindi na maulit ang insidente.
Sa comment section ng website, halos mag-away ang AlDub fans.
“Kababae kasing tao pinapalarga nilang ganyan ang init pa. Dapat sa studio na lang siya. Si alden ibilad niyo,” say ng isang fan.
“Matagal nang nag prisenta si Alden Richards na sya na lang sa brgy last year pa kaya lang mas gusto ni Meng kasi nandoon mga kaibigan nya. Yung episode na nahampas sya ng babae dahilsabik kay Alden. hay naku mema lang,” sagot naman ng isang supporter.
“Tard spotted. Halatang OSF tard. Alam mo ba kung bakit nasa Broadway si Alden? Dahil host sya ng Classroom Superstar segment dun. Wag mo idamay si Alden. Discretion ng EB yan kung saan ilalagay si Maine. Gamitin mo utak mo wag kuda ng kuda,” mataray na comment naman ng isa pa maka-Maine.
“Maine should have had been better secured in the first place, knowing how popular she is now. This kind of incidence won’t do. If she has to be out, make sure that she won’t be pawed anddegraded like this. The memory of unwanted touches, more so when it is of sexual nature, deeply affects the victim,” reaction naman ng isa pa.
Whatever! May pagkukulang ang bodyguards. Nagmukha silang walang silbi, mga inutil!!!

Read More
Unknown

Bea Alonzo at Gerald Anderson, mauwi na kaya sa pag-iibigan ang pagsasama sa isang pelikula?


Mauwi kaya sa romance ang pagsasama ninaBea Alonzo and Gerald Anderson sa isangmovie?
Nakakasa na ang pelikulang first time nilang pagsasamahan mula sa direksyon ni Dan Villegas. Nagkaroon na nga story conference kamakailan ang dalawa.
Say ni Bea Alonzo, noon pa dapat sila magsasama ni Gerald sa isang project, pero naudlot ito for some reason.
“Excited ako kasi parang matagal na. Laging almost dapat magtatrabaho kami, pero ngayon lang talaga natuloy. Baka ito ‘yung tamang timing,” say niya sa isang interviewna lumabas sa isang website.

Actually, si Bea ang naging dyowa ni Gerald Anderson after his breakup with Kim Chiu. Na-bash nang husto si Bea, natawag na mang-aagaw, anaconda, ahas kaya naman mas minabuti na lang niya na layuan si Gerald.
Then came Maja Salvador at nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ni Gerald.

Read More
Unknown

Karen Davila, private mode sa Instagram matapos ma-bash nang husto ng supporters ng isang presidentiable


Karen Davila had her Instagram account on private mode after people on social media bashed her left and right.
Karen Davila was biased daw when she hosted the presidential debate recently. Hindi nagustuhan ng supporters ng isang presidentiable ang kanyang line of questioning sa kanilang idol. Halata raw na may pinapanigan si Karen kaya naman walang habas siyang pinagba-bash sa social media.
Actually, she was bullied to the hilt by the supporters of the presidentiable. Ganyan naman talaga sila, nakikita nila ang error ni Karen, pero hindi nila nakikita ang mga kabulastugang pinaggagawa nila.
Hindi ba’t nagreklamo ang Singaporean government dahil pinalabas ng supporters na sinusuportahan ng Singapore ang presidential bid ng idol nila.

Hindi ba’t ginamit nila sina US President Barach Obama, Pope Francis, Liza Soberano, at Andi Eigenmann para palabasing suportado nito ang minamanok nilang presidentiable.
Having said that, nag-sorry ba sila sa panggagamit nila sa mga respected personalities na mga ito? May mga manlolokong supporters na matindi ang katangahan. Akala nila maniniwala ang mga tao sa kanilang panloloko. Ganyan sila kawalang-hiya, walang pinag-aralan, idiots to the highest order.

Read More
Unknown

Jackie Rice, wala na ngang soap, natsugi pa sa gag show

Maraming tagahanga ni Jackie Rice ang nag-iisip kung bakit until now ay wala pa ring bagong proyekto ang magandang aktres at natsugi pa ito sa nag-iisa niyang show na “Bubble Gang“.
Himutok nga ng loyal supporters ni Jackie Rice, mukhang napababayaan daw ito ng kanyang home studio gayong homegrown artist ito na nagsimula ang karera sa showbiz sa Batch 3 ng “Starstruck’ at tinanghal na Ultimate Female Survivor.
Halos lahat naman daw ng pinagbidahang serye at sinalihang soap ni Jackie ay nagpakita ng lakas sa ratings, kaya naman daw karapat-dapat na mabigyan ito ng panibagong soap katulad ng ibang GMA stars na sunud-sunod ang trabaho.
Sayang naman daw ang ganda at talino ni Jackie sa acting kung mabuburo lang nang matagal. Mabuti na nga lang daw at may negosyo ito na pinagkakaabalahan ngayon, dahil kung wala raw ay nganga ito at walang pagkukuhanan ng panggastos sa pang-araw-araw at pambayad ng kanyang mga bills sa bahay.

Read More
Unknown

Hiro Peralta, kakarerin na ang pagho-host


Mukhang may bago nang kakaririn ang GMAprime actor na si Hiro Peralta bukod sa pag-arte, at ito ay ang pagho-host.
Marami kasi ang pumupuri sa ginagawang pagho-host nito sa “Unang Hirit” sa isangsegment, kung saan lumalabas siya ng studioat pumupunta sa iba’t ibang lugar.
Tsika nga ni Hiro Peralta nang makausap namin, “Nae-enjoy ko na siya. Nu ‘ng una mahirap, kasi first time kong mag-host. Pero nang tumagal-tagal, nae-enjoy ko na siya at madali lang pala, lalo na’t gusto mo ‘yung ginagawa mo. Bukod sa marami akong napupuntahang iba’t ibang lugar na parang nagbakakaasyon lang ako na sabay ang trabaho.
“Marami rin akong natututunan sa mga lugar na pinupuntahan ko at mga taong nai-interview ko.”
Gusto nga raw ni Hiro na mas matuto pang mag-host kaya naman daw kakaririn niya na ito nang sa gayon ay mabigyan pa siya ng GMA at GMA NewsTV ng iba pang hosting job.

Read More
Unknown

Shaun Salvador, haharanahin ang mga Caviteño


Sa friday na , April 29, 4 p.m. sa SM Bacoor, Cavite magaganap ang Meet and Greet ng “#ParangNormalActivity” main cast atambassador ng Mario D’Boro , Ysa Skin and Body Experts, at Jewels na si Shaun Salvador na hatid ng Mario D’Boro.
Haharanahin ni Shaun ang kanyang Cavite fans sa ihinandang mga awitin. Makasasama ni Shaun Salvador sa nasabing Meet and Greet at magsisilbing front act nito ang Internet Sensation na si Angelica Feliciano na aawitan naman ang mga tagahanga nitong kalalakihan sa Cavite.
Bukod sa kantahan, magkakaroon din nggames at pagkakataong mapag-authograph at makapagpalitrato kina Shaun at Angelica ang pupunta sa kanilang show.

Read More