Sabado, Marso 5, 2016

Unknown

Kilabot na kriminal na si 'Boy Bonus,' binaril at namatay pero muling nabuhay

May kasabihan tayo na “ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.” Masaklap mang tanggapin, may mga nilalang na napipilitang gumawa ng mga bawal at masasamang bagay para makaraos sa hirap ng buhay. Lumaki si Boy Bonus sa mundo ni Rogelio, ang lasenggo niyang tatay na nagtatrabaho sa isang ilegal na sindikato. Habang ang kanyang ina naman ay napilitang magtrabaho bilang “hostess” para mabuhay silang magkakapatid nang humiwalay sa kanilang ama.
Dahil sa napiling trabaho ng ina, maraming nakakaaway si Boy dahil na rin sa panunukso. Na-kick-out siya sa eskwelahan, at piniling maging tambay na lang. Kinalimutan ang pananalig o paniniwala sa Diyos at nagsimulang pumasok ang mundo ng karahasan. Iba’t ibang krimen ang kaniyang kinabilanganm kabilang ang panghoholdap sa mga pasahero ng jeep hanggang sa bumuo siya ng grupong tinawag niyang "Estribo Gang." Hindi nagtagal, nahuli siya. Ngunit nang makalaya ay bumalik ulit siya sa dati niyang masamang gawain– carnapping, pagnanakaw ng mga armas ng pulis, at iba pa. Ang kinikita naman niya sa masamang gawain ay ipambibili niya ng sardinas at bigas at ipamamahagi sa mga kapitbahay na salat ang buhay-- dahilan para tawaging siyang “Boy Bonus.” PaulitNaglabas-pasok siya sa kulungan hanggang sa naging trabaho na rin nya ang pagiging birador o hitman. Hanggang sa dumating ang panahon na siya naman ang iniutos na ipapatay. Ngunit isang himala na muli siyang nabuhay. Dahil dito, nanumbalik ang pananalig niya sa Diyos. Unti-unting pinagsisihan ang kanyang mga nagawa sa pamamagitan ng paglilingkod bilang isang pastor. Ang "Magpakailanman Present: Ang Kriminal Na Binuhay ng Diyos," ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Albert Langitan, sa panulat ni Ping Medina at pananaliksik ni Georis Borbe Tuca. Gagampanan ni Dingdong Dantes ang buhay ni "Boy Bonus," at makakasama niya sina Rez Cortez, Carmi Martin, Joko Diaz, Bettinna Carlos, Rap Fernandez, Shermaine Santiago, Joshen Bernardo at Justin de Leon.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :