Biyernes, Abril 1, 2016

Unknown

Willie Revillame, nag-food trip sa kalye; singing aeta na si Arjohn, naispatan

Hindi inaasahan ng singing eata at dating Youtube sensation na si Arjohn Gilbert sa suwerteng darating sa kaniya nang makita niya sa kalye ang "Wowowin" host na si Willie Revillame habang enjoy sa pagkain ng fishball. Sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News Saksi nitong Huwebes, nagtungo si Kuya Wil sa Samar street na malapit sa GMA Network para kumain ng street food tulad ng fishball.
Habang nag-e-enjoy sa kaniyang street food trip, nag-ala ninong si Willie sa mga nagtitinda na binigyan niya ng pera. Pati si Arjohn na nagkataon na napadaan sa lugar, naabutan din ni Kuya Wil ng pera. Nang sabihin ni Arjohn kay Willie na nais niyang mag-guest sa Wowowin, kaagad siyang pinaunlakan ng game show master. "Gusto niya raw mag-guest sa show siyempre ige-guest ko 'yan," ani Kuya Wil. " The show 'Wowowin' is para sa mga nangangarap." Labis naman ang pasasalamat ni Arjohn dahil malaking tulong daw iyon lalo na ngayon na nagsisikap siyang makaipon ng pera para sa pagpapagamot sa nanay niyang may breast cancer. "Iyong pangarap ko na makita siya natupad," ani Arjohn." Nag-pray ako, pinadaan ako ni God dito. Hindi ko inakala nandito si Kuya Wil." Unang nakilala si Arjohn sa Youtube dahil sa pag-awit niya ng kanta ni Justin Bieber na "Baby" noong 2011. Sumunod nito ay naimbitahan siya sa ilang show at nakilala pa si apl de ap. Pero unti-unting kumupas ang bituin ni Arjohn hanggang sa napilitang makipagsapalaran sa Maynila. Sa mga kalsada tulad sa Quezon city siya nag-iikot at umaasang maabutan ng pera sa kaniyang pagkanta.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :