Biyernes, Abril 1, 2016

Unknown

Kim Domingo, may maanghang na sagot sa mga bashers ng kaniyang sexy outfits

Matapos siyang makilala dahil sa kaniyang mga Dubsmash videos at sexy photos, tuluyan na ngang pumasok sa showbiz si Kim Domingo bilang aktres at model. Kabilang sa mga programang kinabibilangan niya ang “Bubble Gang” at ang upcoming romantic-comedy Primetime series na “Juan Happy Love Story,” na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Bumida na rin siya sa cover ng sikat na men's magazine na FHM nitong nagdaang Disyembre. Sa sandaling panahon niya sa industriya, nagkaroon na agad ng maraming supporters si Kim, ngunit hindi rin siya nakaiwas sa mga tinaguriang bashers. Nitong nakaraang linggo, naglabas ng saloobin ang Kapuso sexy-actress para sa lahat ng mga pumupuna sa kaniyang showbiz career. Aniya sa isang Facebook post, “Kapag nakadamit ka ng simple, hindi kita dibdib mo, hindi ka nagsusuot ng maiikling damit sa paningin ng nakakarami, MABUTI AT MABAIT KA, WALA KANG GINAGAWANG MASAMA LAGING MABUTI KA SA PANINGIN NILA. Pero kapag ang suot mo sexy, sa paningin ng nakararami, POKPOK KA MASAMANG TAO, BINEBENTA MO SARILI MO, WALANG RESPETO SA SARILI. Ganoon kadali humusga.” “That's life. But still I know na hindi lahat ng tao mapi-please natin. Basta focus na lang sa trabaho. Ang sarap lang isampal sa mukha nila yung sinasabi nila na puro SUSO ka lang? Minsan nga naiiyak ako sobrang bait ng Panginoon ang BILIS BILIS,” dagdag pa ni Kim. Nagpapasalamat na lamang daw siya sa mabilis na pagdating ng biyaya sa kaniya, dahil bukod sa TV projects ay mayroon na rin siyang pelikula. “Parang dati, nag-post pa ako na one day makakapasok din ako ng showbiz, magkakaroon ako pelikula at teleserye. Tapos nangyari. Mayroon na akong isang pelikula, meron pang teleserye, tapos may regular show pa. Minsan tinatanong ko sarili ko kung nanaginip lang ba ako,” kuwento niya. Patuloy lang raw ang pagsisikap ni Kim upang maabot pa ang iba niyang mga pangarap, tulad na lamang nang maibahagi ang kuwento ng kaniyang buhay sa Kapuso weekly anthology na “Magpakailanman.” Ayon sa “Bubble Gang” actress, “Alam ko madami pako dapat matutunan at madami pa akong dapat maranasan. Wala pa ako sa kalahati, kailangan ko pang mas pagbutihan sa bagong industriya na tinatahak ko.” “Pero gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong never hinusgahan pagkatao ko, sinusuportahan ako kundi din dahil sa inyo, hindi ako mapupunta dito

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :