Kapag sikat ang isang tao, asahan mo, kahit ano ang i-post niya sa kanyang social media account ay nagiging viral. Ibig sabihin sinusundan kaagad ng publiko. Nagiging trending.
Like sa kaso ni Pia Wurtzbach na dahil sa milyones niyang followers sa social media, ang gimmick at paandar nila ni Dr. Mike,
ang tinaguriang sexiest doctor in the world, nang mag-skyline
(helicopter) tour sila sa Manhattan (New York) kahapon, na naka-post sa
Instagram Account ni Dr. Mike ay biglang naging hot topic ng mundo.
Matapos gumimik ang dalawa, si Pia Wurtzbach naman ay dinala ang boyfriend niyang Dr. Mike sa isang Pinoy resto
sa Manhataan para patikman ang pansit at lumpia nating mga Pilipino na
gustung-gusto ng mga foreigners, bukod sa pinatikim din ni Miss U ang
local beer natin na San Miguel at Red Horse.
Sa isang gay chatroom, naging laughing joke ang “patikim” ni Pia kay Dr. Mike
ng mga favorite nating mga Pinoy na pagkain na siyang kadalasang
ipinakikilala natin sa mga foreigner friends natin na hindi pa
nakatitikim or na i-introduce kung ano ang Filipino cuisine.
Based sa photos na ipinost, wala yata akong napansin na chicken & pork adobo na gustung-gusto ng mga dayuhan sa mga Filipino foods na nae-encounter nila, lalo pa’t mga first timer.
Sa chatroom, may isang mapagbiro na nag-comment sa patikim na ito ni Pia sa kanyang boyfriend. “Bukod sa pansit at lumpia, pinatikim din kaya ni Pia ang masarap na tinapay natin na monay si Dr. Mike? Masarap ang monay sa mainit na kape or monay na may gatas na kondensada.”
Pero sa totoo lang, mas interesado ako makakita ng FB posting ni Pia na sinasabing dadalaw raw siya sa mga earthquake victims ng Ecuador, kaysa sa paandar nilang dalawa ng boyfriend.