Miyerkules, Abril 27, 2016

Unknown

Arjo Atayde, mabentang endorser ng mga produkto



Masuwerte ang Kapamilya award-winning actor n si Arjo Atayde, dahil bukod sa sunud-sunod ang magagandang proyekto nito sa ABS-CBN, mabenta rin itong image model ng mga produkto.
Bukod nga sa endorsement nitong apparel (Hammerhead), isa na rin itong endorser ng Axe Black, kung saan isa ito sa ini-launch kamakailan na dinaluhan ng kanyang showbiz friends, sampu ng kanyang very supportive family sa pangunguna ng mahusay na actress na si Ms. Sylvia Sanchez at ng kanyang nag-aartista na ring very beautiful na kapatid na si Ria Atayde.
Regular na napanonood si Arjo Atayde sa top-rating serye na “Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Coco Martin, kung saan ginagampanan niya ang role na pulis na kontrabida ni Coco.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :