Sa pagkalas ni Dingdong Dantes sa kamponi PNoy last week, mas marami kami nakukuhang positive feedbacks sa mga mambabasa ng Pinoy Parazzi at maging sa reaksyon ng mga fans sa isyu sa mga socia lmedia accounts namin like Facebook, Instagram, at Twitter na wise decision para sa aktor na kumalas na habang maaga lalo pa’t palubog na (kung hindi man lumubog na) ang bangka ng presidente na ikinampanya at sinuportahan niya sa simula pa lang.
Kung maalala pa, bago nailuklok si PNoy bilang Presidente ng Pilipinas, naging progresibo na si Dong sa mga kilos at aktibidades bilang all out supporter ng LP, at sa inilaan na responsibilidad sa kanya bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC).
But now, napag-isip-isip marahil ng aktor na ang laban ni PNoy na ibenta sa mga Pinoy ang manok niyang si Mar Roxas ay walang kahahantungan.
Mas maagap, much better.
May nakapagbulong sa amin na mas kinampihan daw ni Dingdong Dantes ang kaibigan na si Sen. Bam Aquino na may falling out sa kanyang pinsan na si PNoy, na sa loob ng LP ay malakas ang bulong-bulungang may personal na alitan ang magpinsan na sa sobrang katigasan ng ulo ni PNoy, umabot daw ito sa isang talakan sa isang Aquino family gathering last 2015.