Miyerkules, Marso 9, 2016

Unknown

Willie Revillame sa cute dancing kid na si Balang: 'Sisikat 'tong batang 'to'

Published March 9, 2016 4:55pm
Nagpakitang gilas sa "Wowowin" ang chubby cute dancing kid na si Balang na tatlong beses nang naging guest sa sikat na "Ellen deGeneres Show" sa Amerika. Matapos makita ni Willie Revillame ang husay sa pagsayaw ni Balang, o John Philip Bughaw sa tunay na buhay, sinabi ng game show host na, "sisikat 'tong batang 'to." Bukod sa nakapag-guest na siya sa show ni Ellen, nakatanggap din ng tweet si Balang sa international singer na si Justin Bieber. Sa "Wowowin," ipinakita ni Balang ang kaniyang dance moves na nagpasikat sa kaniya sa YouTube tulad ng "Sorry" ni Justin Biber, "Bang Bang" ni Jessie J. at naki-'nae nae' sa kantang "Watch Me" ni Silento. Matapos ang kanyang performances, sinubukan din ni Balang na magpaputok ng lobo sa segment na "Putukan Na," at naging co-host ni Willie Revillame hanggang sa pagtatapos ng episode. Sa nakaraang panayam kay Balang, sinabi nito na nais niyang makasama sa proyekto si Ryzza Mae Dizon.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :