Biyernes, Marso 4, 2016

Unknown

Pagsikat ni Carrot Man, nagbigay pag-asa sa kanyang mga kapwa Igorot

Pag-asa. Ito ang aral na dala ni Jeyrick Sigmaton para sa kanyang mga kapwa Igorot simula nang siya ay sumikat bilang si Carrot Man. Sa kanyang pagbisita sa Wowowin kahapon (March 3) ay namulat ang maraming tao sa kanyang buhay sa Mountain Province. Sa murang edad na 12 anyos ay nagsimula nang tumulong sa pagsasaka si Jeyrick. Dahil sa kahirapan ay pinili niyang magtanim ng carrots at iba’t ibang gulay sa bundok. Lingid sa kanyang kaalaman, ito na rin ang magiging tulay sa kanyang pagkakataong maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Ibinahagi nina Edwina Bandong at Chee-nee de Guzman, ang may ari ng litrato at posts na naging viral, kung paano nila natagpuan si Carrot Man habang nagbabakasyon papuntang Sagada. Pahayag ni Edwina, “Parang malaki rin sa aking karangalan na lahat ng Igorots nagpapasalamat sa akin dahil ni-lift ko daw ‘yung mga Igorots. Hindi na daw sila kakantiyawan na kulot, na may buntot, na nagmomoma. Ang alam nila ngayon sa Igorots, masipag, gwapo.” Sumang-ayon din si Kuya Wil na tinuturing na inspirasyon si Jeyrick. Aniya, “Dapat tayo pantay-pantay. Mayaman, mahirap, ano man, sino ka man, dapat ‘yung respeto sa kapwa laging nadyan at pagmamahal. Ganyan dapat tayong lahat.” Ngayon, ang pag-asa sa mga Igorot ay nagsisimula kay Jeyrick na nabigyan ng pagkakaton na -

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :