Martes, Marso 8, 2016

Unknown

Na-bad trip si Maine sa hacker at ang pagkilatis ni Tiya Bebeng kay Alden.

Isang araw sumama ang mood ni Maine "Yaya Dub" Mendoza dahil sa inis niya sa nang-hack sa kaniyang social media accounts. Kasabay nito, nakaharap ng mga lola Da Explorer ang istriktong si Tiya Bebeng para kilatisin ang panliligaw ni Alden sa prinsesa ng kalyeserye. Naging masaya ang panimulang araw sa kalyeserye sa nagdaang linggo matapos sariwain ng AlDub at ng mga lola ang nakakatakot na pagbisita nila sa lumang bahay ng kanilang lola. Sa naturang lumang bahay, nakuha ni Alden ang isang singsing na magsisimbulo ng "forever love" na dapat niyang ibigay sa babaeng kaniyang nais makasama sa buhay. Pero isang tawag ang natanggap ni Lola Nidora tungkol sa isang tao na bibisita sa kanila--na napag-alamang si Tiya Bebeng.
Kinabukasan, beast mode na si Yaya Dub dahil na-hack ang kaniyang social media account. Dahil dito, nagsermon si Lola Nidora tungkol sa paggalang sa privacy ng isang tao, at nagbilin pa na dapat maging maingat din sa paggamit ng social media. Todo effort naman si Alden para mapasaya si Yaya Dub at ginaya pa ang hitsura ng mga lola.
Pagsapit ng Miyerkules, masaya na muli si Yaya Dub dahil naibalik na ang kaniyang social media account. Balik din ang AlDub sa kulitan at nagkasundo na sasali sila sa "Gaya Gaya Pa More" segment ng Eat Bulaga. Pero nang pag-usapan na kung saan sila magpa-practice, tila sinubukan ni Maine si Alden nang mag-aya ito sa Bulacan.
Nataon naman sa 16th weeksary ng AlDub bumisita si Tiya Bebeng sa kalyeserye na ginampanan ng batikang aktres na si Gloria Romero. Tulad ng babala ng mga lola, istrikto si Tiya Bebeng at kinilatis nang husto si Alden sa pagporma nito at intensiyon kay Yaya Dub.
Isang araw bago ang pagsabak sa "Gaya-Gaya Pa More," naghanda na sina Alden at Yaya Dub at ginaya sina Elvis Presley at Madonna pero hindi kaagad sila nahulaan ng mga lola. Naging palaisipan naman kung sino talaga ang gagayahin ng dalawa sa pagsabak nila sa naturang segment ng Eat Bulaga.
Pagsapit ng "Gaya-Gaya Pa More," hindi international artists ang ginawa nina Alden at Yaya Dub kung hindi ang sikat na tambalan noon sa Pilipinas na "Guy and Pip" nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Kinantahan pa ni Alden ng "Wish I May" si Yaya Dub at binigyan ng tatlong pulang rosas na "I Dub You" daw ang kahulugan. Pero bago matapos ang kalyeserye, nagkaroon ng problema nang matuklasan na nawawala ang singsing na nakuha nila sa lumang bahay na ibibigay ni Alden kay Yaya Dub. Ang nabitin na malaking katanungan...nasaan ang singsing?!

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :