Martes, Marso 8, 2016

Unknown

Ginang, sinaksak ang 5-anyos na anak sa harap ng altar ng simbahan

Gamit ang basag na bote, pinagsasaksak ng isang ginang ang kaniyang anak na babae na limang-taong-gulang sa harap mismo ng altar sa isang simbahan sa Mandaue city. Sa ulat ni Alan Domingo ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa loob ng Saint Joseph National Shrine sa Mandaue city noong Linggo ng madaling araw.
Kuwento ng guwardiya ng simbahan, dumiretso ang mag-ina sa altar at lumuhod. Dito na umano sumigaw ang ina na "aswang kami" at inundayan na ng saksak ang bata. Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang bata pero nakaligtas nang sumaklolo ang ibang tao na nasa simbahan at napigilan ang ina. Dinala ang bata sa ospital para malapatan ng lunas, at nasa mabuti na itong kalagayan. Samantala, dinala rin sa ospital ang ginang para masuri ang pag-iisip nito. Patuloy ang isasagawang pagsusuri sa babae habang pinag-aaralan kung sasampahan ito ng reklamong attempted parricide.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :