Martes, Marso 8, 2016

Unknown

Driver na nagwasiwas daw sa traffic enforcer habang nakakapit sa taxi, sumuko.

Sumuko sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority sa Quezon City ang driver umano ng taxi na nakunan sa video na iwinawasiwas sa isang traffic constable na nakakapit sa hood ng umaarangkada ang taxi sa Commonwealth Avenue flyover nitong Lunes. Sa ulat ni Chona Carreon sa GMA News Balita Pilipinas nitong Martes, kinilala ang inirereklamong taxi driver na si Ramon Talan.
Dala ni Talan sa pagpunta sa MMDA office ang taxi unit na isang Nissan Sentra, na may plaka TXW-775. Itinanggi ni Talan na siya ang nanakit sa traffic constable na si Rolando Perez na nakita sa video na nakakapit sa hood ng taxi at iwinawasiwas hanggang sa malaglag. Nagulat umano ang drayber nang makita ang kanyang mukha sa mga balita at itinuturong salarin sa pananakit sa MMDA traffic constable. Paliwanag pa ni Talan, ang taxi unit na nakita sa video na may plaka ring TXW-775 ay isang Toyota Vios at hindi Nissan Sentra. Sa kabila nito, positibong kinilala si Talan ng mga kasamahan sa trabaho ni Perez. Paliwanag nila, hinarang niya ang taxi ni Talan matapos itong mag-swerve sa anim na lane sa gitna ng matinding trapiko. Pero kahit pinara na ng constable, umarangkada pa rin daw ang taxi kaya kumapit si Perez sa hood ng sasakyan. Dagdag na iimbestigahan naman ng mga awtoridad papaano nagkaroon ng dalawang uri ng taxi unit na pareho ang plaka at pananagutin ang operator ng taxi dahil ganito raw modus ng tinatawag na "kambal plaka." - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/558280/news/ulatfilipino/driver-na-nagwasiwas-daw-sa-traffic-enforcer-habang-nakakapit-sa-taxi-sumuko#sthash.J6Xcm8RL.dpuf

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :