Martes, Marso 29, 2016

Unknown

A Night to Remember: Chapter 7


Maaga palang ay gising na si Ayessa at naghanda paalis dahil kahapon ng hapunan ay kinausap siya ni Nanay Remy at ibinigay ang address ng kapatid daw nito na taga pangasinan kaya bago tumirik ang araw ay sakay na siya ng bus papuntang pangasinan hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa bagong lugar na pupuntahan niya pero ang hiling niya ay sana maging maayos ang kalagayan niya pati na ang magiging anak.
Nang huminto na ang sinasakyan niyang bus ay dali dali siyang bumaba at sumakay ng jeep papuntang manaog nang makarating doon ay bumaba siya at sumakay ng pedicab papuntang Baryo Alingaw pinakadulo bahagi ng Manaog maliit lang ang Baryo Alingaw ilan lang ang pamilya di pa aabot ng 40 ang pamilyang nakatira sa baryo ngunit napakaganda ng buong paligid at napakatamik tamang tama para sa kanya ang lugar may napakagandang dagat sa likuran ng mga bahay na siyang ikinabubuhay ng buong baryo.
Hinanap niya ang bahay nang sinasabing kapatid ng nanay nila sa dorm at nakita niya ito sa malapit sa dulo tamang tama lang ang laki ng kubo napaka presko ng pagkakagawa napapalibutan ito ng puno ng niyog.
“Tao po tao poooooooo” tawag niya sa may ari ng kubo
“Sino ho sila?” ang tanong sa kanya ng idad dose na batang babae
“Hi nandyan ba si Efren Alaw?” ang nakangiti niyang tanong sa batang babae na bagamat payat ay napakaamo ng bukas ng mukha.
“Opo lolo ko po siya bakit ho?” nagtatakang tanong nito at di pa rin binubuksan ang pintong kawayan at tinitigan siya na parang kinikilala.
“May sulat ako para sa kanya galing sa kapatid niyang si Remy Alaw nandyan ba siya?” ang tanong niya sa dalagita habang nakangiti
“Opo tuloy po kayo tatawagin ko lang si Lolo” sabay bukas sa pintuang kawayan at pinatuloy siya hanggang sa balkonahe
“Ikaw ba ang naghahanap sa akin iha?” ang tanong ng matandang lalaki na siguro ay nasa idad 50 na ito pero mukha pa ring malakas
“Kayo po ba si Efren Alaw?” ang magalang niyang tanong dito at umupo sa upuang kawayan na nakadikit sa dingding ng terrace ng kubo.
“Oo iha bakit may maipaglilingkod ba ako sayo?” tanong ng matanda na umupo na sa upuang tumba tumba.
“Opo may pinabibigay po si Nanay Remy sa inyo” sabay abot niya ng sulat na ipinadala sa kanya ni Nanay Remy bago siya umalis kaninang medaling araw.
Binasa ito ng matanda at maya-maya lang ay ngumiti at sinabi na matutulungan siya nito kung mapagtitiisan niyaang kanilang munting bahay
“Naku di naman po ako maselan siguro ho kahit hanggang makahanap lang po ako ng malilipatan. Meron po ba kayong alam na mauupahang bahay?” nahihiya niyang tugon sa matanda
“Naku tamang tama pala ang dating mo ito kasing katabi kong bahay ay pinapaupahan umalis kasi patungong maynila ang kanyang kapatid at iniwan na sa kanya ang bahay na ito”.
“Talaga po puwede ko ho ba siyang tignan nangayon? Kung puwede nyo po akong samahan” hiling pakiusap niya sa matanda na may may mabait na mga ngiti.
“Aba ay oo teka Lang at kunin ko ang aking tsinelas at dyan lang naman sa ikatatlong bahay nakatira si Damian” at tumayo na agad ito at pumasok sa bahay pag labas ay niyaya na akong sumama pinaiwan narin nito ang kanyang dalang bag na ipinasok naman ng batang kanina nagbukas ng gate.
“Damian nariyan ka ba?” ang sigaw ng matanda nang makarating sila sa bakod nitong gawa rin sa kawayan na natataniman ng mga santan at sampaguita.
“Tatay Efren nandito ho sa loob si tatay, pasok na lang ho kayo” ang sabi ng dalagang dumungaw sa bintana na bagamat may kaitiman ay maganda naman ito.
Pumasok nga sila sa bahay na gawa sa kahoy malugod silang pinaupo ng matabang lalaki na siguro ay nasa kuwarentay singko na ang idad
“E napasugod ka ka-Efren?” ang nakangiti nitong tanong “sino ireng kasama mo?” ang tanong pa nito
“Ayessa ang pangalan nanggaling ng maynila pinadala rito ni Remy, Ayessa iha ito naman si Damian ang sinasabi ko sayong may ari ng bahay” ang sabi ni tatay efren
“Magandang hapon po Mang-Damian gusto ko po sa nang-upahan ang bahay sa tabi ni Tatay Efren” nakangiti kong sambit sa kanya
“Naku ganon ba tamang tama wala ng tao yan magisang buwan na malinis pa yan kung gusto mo upahan 2000 ang isang buwan gusto mo bang makita iha?” mahaba nitong sabi ng tumango siya ay nagsitayuan na sila at lumabas ng bahay ng mga ito para puntahan ang bahay na sinabi nito.
Nakita niya ang May kaluwagang bakuran na nababakuran ng bolong kawayan at nakita niyang may bomba sa gilid nito na pinaliliguan ng dalawang bata, ang buong bakuran ay natataniman ng ibat ibang halaman meron itong sampaguita sa may pinaka-gate nito at ang gilid ng kubo ay may mga punong namumunga.
Maliit lang ang kubo pero malinis at presko dahil na rin siguro sa gawa ito sa kawayan at nakaangat sa lupa may 3 itong baitang papasok sa bahay mayroon itong isang kuwarto pero pag pasok mo ay may karugtong pa pala itong isang kuwarto na magkakonekta,ang malaking kuwarto ay may roong balkonahe na paharap sa dagat may malaki itong duyan na nakatali sa magkabilaanng buong balkonahe at napakaganda ng view at presko ang hangin na pumapasok dito mayroon na itong queen size na papag , ang salas ay maliit lang  may roong upuang kawayan at maliit na lamesa ang banyo ang pinakamaganda sa lahat bagamat gawa sa kubo pagpasok mo sa loob ay nakasemento at pinaligiran ng mga batong makukuha sa dagat ang mga dingding naman ay dinikitan ng magagandang shell na lalong nagpaganda dito.
Dahil walang nawasa sa baryo ang tubig nila ay galing sa bomba ang banyo ay may sariling bomba maliit na bomba ito na talagang ginawa para magkasya sa maliit na space tulad ng kubeta. Ang kusina ay karugtong ng banyo at sala katamtaman lang ang laki nito may mga maliliit na bintana na gawa sa kawayan na nagbibigay ng liwanag sa buong lugar ang kainan ay nasa gawing harapan paharap sa kalsada nakadikit ang mahabang upuan sa magkabilaang dingding ng kusina at ang lamesa ay gawa sa kahoy simple pero maganda ang pagkakagawa ng bahay bukod pa sa ang dagat ay ilang metro lang ang layo mula sa bahay na nagbibigay ng preskong hangin.
“Ano iha nagustuhan mo ba?” ang tanong ni Mang-Damian ng malibot na nila ang buong bahay
“Opo napaka-ganda at napaka presko tamang tama po sa pinagbubuntis” ang sabi ko sa dalawang matanda
“Buntis ka iha ? Aba e napakabata mo pa ata iha nasan na ang asawa mo?” sabi ni mang damian na mukhang nagulat sa nalaman
“Mukha lang bata yang si Ayessa Damian pero may asawa nay an at nasa America daw sabi ni Remy” ang sabi naman ni Tatay Efren
Na ikinagulat niya ng todo ibig palang sabihin nagsinungaling si Nanay Remy kay Tatay Damian para tulungan siya na lihim na rin niyang ipinagpasalamat dahil hindi magiging mahirap para sa kanyang magpaliwanag.
“Naku ganon ba pasensya ka na iha at napaka usyoso ko ata” na sinabayan nito ng malutong na tawa nakitawa na rin sila ni Mang Efren.
“Kukunin ko na ho ito Mang-Damian tamang tama lang ho ito para sa akin” ang desidido niyang sabi
“Ganon ba naku mabuti naman iha salamat hihingi na lang ako sayo ng 1 month deposit at puwede mo na itong lipatan kahit mamaya total ma linis na rin naman ito dahil nilinis pa lang ito kahapon ng anak ko”
Ang sabi ni Mang Damian ng iabot niya dito ang dalawang libo ay ibinigay na nito sa kanya ang susi ng kubo tamang tama mayroon pa siyang oras para bumili ng kakailanganin total ay alas dos pa lang naman ng hapon.
Sinamahan siya ni Tatay Efren at ng apo nito na si Alicia inarkila ang jeep ni Donato na nasa idad 22 pa lang makisig din ito at masayahin.
Pumunta sila ng bayan at bumili siya ng foam para sa papag at mga unan pati bedsheet at pillow case at mga tuwalya para sa paliligo at ilang kurtina bumili din siya ng gamit sa kusina tulad ng gas stove, mga paglutuan at mga plato’t kutsara bumili na rin siya ng lalagyan ng mga ito at lagayan ng mainit na tubig sinabi ni tatay efren na kakailanganin niya rin ng lagayan ng tubig sa banyo at sa kusina kaya bumili na rin siya ng malaking drum at apat na palanggana at isang timba at dalawang tabo.
Nang makompleto ang lahat ng gamit para sa bahay ay bumili din siya ng isang malaking galon ng mineral water isang kabang bigas at mga grocery at para sa lutong ulam binilhan niya na rin sila Tatay Efren ng grocery bilang pasasalamat sa pagtulong nito sa kanya,,,pauwi na sana sila ng maalala niya na wala pala siyang ilawan dahil walang kuryente ang buong baryo hanggang ngayon kaya huminto sila sa tindahan at bumili ng 3 malaking gasera.
Halos mag alas sais na ng hapon ng makauwi sila kaya pagod na pagod na sumama sa bahay niya si Alicia upang tulungan siya sa pagaayos at  dahil dalawa sila at mabilis kumilos si Alicia ay madali silang nakatapos tinawag sila ni Nanay Tinay ang asawa ni Tatay Efren at sinabing duon na rin siya maggabihan na pinaunlakan naman niya.
Nakasanayan na ni Ayessa ang buhay sa baryo kahit mahirap ang kanyang pagbubuntis ay nakakaya naman niya ngayon ay limang buwan na ang kanyang tiyan at mas malaki ito sa karaniwan plano niyang pumunta ngayon araw sa Doctor dahil mula ng siya ay magbuntis ay ngayon pa lang ulit siya makakapagpatingin dahil tinitipid niya ang perang nakuha mula sa pinagbentahan niya ng hikaw.
Pero ngayong araw ay nakuha na niya ang una niyang pay check mula sa isinubmit niyang novela na ipapublish na.
Nagpunta siya ng clinic kasama si Alicia na mula ng tumira siya sa Baryo Anilaw ay lagi na niyang kasa- kasama.
Pagdating sa clinic ay tinignan agad siya ng doctora sinabi sa kanyang maganda naman daw ang lagay ng kanyang anak pero hinihinala nito na kambal ito kaya sinabihan siyang magpaultra sound at lumabas nga sa ultra sound na kambal ang kanyang magiging anak na labis niyang ikinatuwa kahit may kaunting takot siyang nararamdaman dahil di niya alam kung kakayanin niyang alagaan ang kanyang dalawang munting anghel.
Lumipas pa ang mga buwan ngayon ay kabuwanan na niya at ilang araw na lang ay manganganak na siya tamang tama lang niyang natapos ang kanyang nobela at nakuha na rin niya ang bayad para dito mula ng lumabas ang kanyang unang kuwento ay nag sunod sunod na ang kanyang padala na sa awa ng Diyos ay wala pa namang narereject sa katunayan duon niya kinukuha ang perang pangastos sa bahay at may naitatabi pa siya para sa kanyang magiging anak.
“Aliciaaa Alicia gising” ang tawag niya sa batang katabi sa higaan
“Ate Ayessa bakit?” ang pupungas pa nitong tanong
“Pakitawag ang Lola mo manganganak na ata ako” ang hirap na hirap niyang sabi sa bata na natatarantang lumabas para tawagin ang Lola nito
Habang hinihintay ang magpapaanak ay hirap na hirap siyang tumayo dahil parang naiihi siyang di maintindihan at sa sobrang sakit na pilit niyang nilalabanan pero di pa siya nakakatayo ng maramdaman niyang may pumapatak sa kanyang hita at ng tignan niya ay ang tinubigan niya pala ay pumutok na tamang tama napapasok na ang kumadrona
“Naku lalabas na ang anak mo iha” ang sabi ng kumadrona kaya inayos siya ng higa sa kabilang kuwarto kung saan ay inihanda na nila para sa kanyang panganganak.
“Ahhhhhhhhhhhhh awwwwwwwww ang sakittttttttt” sigaw ni Ayessa
“Iiri mo pa iha isang mabilis na iri nakikita ko na ang ulo” ang sabi ng kumadrona na sinunod naman niya at maya-maya lang ay lumabas na ang kanyang anak na lalaki na pinangalanan niyang Nathaniel pagkalipas ng isa pang minute humihilab na naman ang kanyang tiyan at mas madali niyang nailabas ang sangol na babae na pinangalanan niyang Natasha ang lahat ng nagaganap ay kinukuhanan ng video ni Alicia gamit ang video cam na nabili niya sa murang halaga.
Ng iabot sa kanya ang mga anak ay nakaramdam siya ng walang pagsidlang kaligayahan na para bang nabura lahat ng masasakit na nangyari sa kanyang buhay.
“Tyler narito na ang mga anak mo dalawang anghel na kamukhang kamukha mo” ang sabi niya sa sarili habang tinitignan ang kanyang mga anak tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata nahiling niyang sana ay nasa tabi niya ang lalaking pinakamamahal niya at ama ng kanyang mga anak.
Gumalaw ang mga sanggol na hawak niya kaya lalo niyang kinipkip ang mga ito at masuyong dinampian ng mga halik at nangakong pakamamahalin ang mga ito.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :