Martes, Marso 29, 2016

Unknown

A Night to Remember: Chapter 6


Halos magdadalawang buwan na siya sa hacienda nila pilit nililibang ang sarili sa pagaalaga sa garden nila kung minsan ay pumupunta sa taniman nila ng mga manga at kung ano ano pang mga prutas malaki ang kanilang hacienda may isang daang hectaria ang sakop nito natataniman ito ng mga prutas pero ang pinaka malaking parte nito ay taniman ng kape.
Di ito masyado naasikaso ng kanyang Ama dahil na rin sa busy ito parati sa law firm nila na sinabayan pa ng katatapos lang na kasal ng kanyang Ate Lira na nasa ibang bansa kasama ang napangasawa nito na isa ring tanyag na abogado bukod pa sa anak ito ng Congressman sa kanilang bayan.
Kaya naman ganon na lang ang kasiyahan ng kanyang ama para sa paborito nitong anak na mas lalo pa nitong ipinagmamalaki at ang kanyang ina naman ay di pa rin umuuwi mula ng pumunta ito sa hongkong para sa kasong hawak nito at wala na silang balita kung saan na ito mas lalo lang naging mabagsik ang kanyang ama sa kanya ng dahil doon.
“Tatay Marcelooooo” ang tawag niya sa katiwala ng hacienda
“Bakit Iha?”  nagtataka nitong tanong sa kanya nang humahangos siyang makalapit dito.
“Puwede po ba akong kumuha ng mangga?” ang tanong niya dito dahil nitong mga huling araw ay takam na takam talaga siya sa mangga lalo na ang maasim
“Sige lang iha magpakuha ka kay kanor naku ireng bata  na ito puro na lang mangga ang nilalantakan” sabi ng matanda na medyo may pagtataka dahil dati naman siyang di palakain nito
“Salamat po ang bait talaga ni Tatay Marcelo “  sabi niya sa matanda at binigyan pa ito ng yakap na ikinatuwa naman nito
“Ikaw talaga o sige na bilisan mo at baka Makita ka na naman ng Daddy mo mapagalitan ka” bilin pa nito sa kanya dahil alam nito na
Ayaw ng daddy niya na pupunta siya sa mangahan dahil noong bata siya ay nasunog niya ang isang puno ng manga dahil sa kapipilit niyang tumulong sa pagpapausok sa mga puno mula noon ay di na siya pinayagan pa ng kanyang Daddy na pumunta doon dahil malas daw siya.
Pinangnguha siya ni Kanor ng apat na malalaking mangga at binalatan pa ito para sa kanya lalo siyang naglaway ng makagat na niya ito ay sarap na sarap siya kahit pa napakaasim nito ay sabay sabay ang kagat na ginawa niya.
“ Salamat kanor sige alis na ko baka Makita ako ng Daddy” kumaway pa siya bago umalis napapailing na lang ang kanilang mga tauhan na nakakakita sa kanya dahil alam nila na bawal siya pumunta doon.
Pagdating sa bahay ay nakita niya ang kotse ng daddy niya ibig sabihin ay nakauwi na pala ito buhat sa korte.
“Saan ka na naman galing na bata ka huh?” ang tanong ng Daddy niya pagkakita sa kanya
“Ah eh dyan lang po namasyal lang po” ang kinakabahan niyang sagot dito na hindi makatingin dito nang diretso dahil nanlilisik na naman ang mga mata nito sa kanya.
“ Puro ka lakwatsa bakit hindi ka magaral ng leksyon mo at ng di naman puro kahihiyan inuuwi mo sa pamilya na ito” ang nakataas na kilay na sabi nito
“ Opo daddy” ang sabi na lang niya
“ Aakyat na po ako” ang dagdag niya pa kahit kalian ay di siya makatagal sa harap ng kanyang ama pano ba naman ay lagi itong galit sa kanya di niya maintindihan kung bakit. Di rin siya nito sinagot kaya umakyat na lang siya
Pagdating sa kanyang kuwarto ay bigla na lang umikot ang paningin niya para rin siyang masusuka kaya dali dali siyang pumunta sa banyo at pagdating doon ay isinuka nya lahat ng kinain niya, ng mahimasmasan ay humiga siya sa kanyang kama at nagisip
Ilang araw na siyang nagsusuka at laging tinatamad naisip niya hindi kaya buntis ako? Hindi imposible sabi naman ng isa niyang isip baka may sakit ka Lang pumunta siya sa banyo at tinignan ang kanyang cabinet wala pa ring bawas ang kanyang napkin naalala niya di rin siya dinatnan ng isang buwan doon na siya kinabahan dahil baka mapatay siya ng kanyang Ama kung tama ang hinala niya.
“Wag kang kabahan ayessa baka Mali lang karkula mo di ka buntis” pangungumbinsi niya sa sarili at pilit pinakakalma ang dibdib.
“Bukas magpadoktor ka baka may sakit ka Lang” dagdag pa niya sa sarili dahil sa sobrang takot na nararamdaman niya
Kinabukasan din ay nagpunta siya sa karatig bayan para walang makakakilala sa kanya, pagdating niya doon tamang tama wala masyado tao kaya siya agad ang natignan
“Congratulation Mrs. Your seven weeks on family way “ ang bati sa kanya ng Doctor
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa natuklasan may hinala na siya pero umaasa pa rin siyang mali ang kanyang akala pero buntis siya at yun ang katotohanan pero pano niya ito sasabihin sa kanyang ama papatayin siya nito.
Nagbayad at umalis siya agad sa Clinic na yun. Naglibot muna siya sa mall upang sa ganon ay malibang at makapagisip isip na rin kung ano ang puwede niyang gawin at kung paano niya ipagtatapat dito ang kalagayan ngunit lalo lang siyang kinabahan at natakot. Saktong siyete na ng gabi ng umuwi siya at kakain na kaya sa komidor na siya agad dumiretso dahil nandoon na daw ang kanyang Daddy.
“Good evening Daddy” bati niya sa ama
Bahagya lang siya nitong tinanguan ng ihain ng mga katulong ang mga ulam ay kumalam na ang sikmura niya dahil gutom na gutom siya pero ng buksan niya ang lalagyan ng halabos na hipon na paborito niya ay bigla na lang bumaliktad ang kanyang sikmura at dali dali siyang tumakbo sa kanyang kuwarto at nagsuka kahit wala naman siyang isuka ng biglang bumukas ang pinto ng kubeta at higutin ng Daddy niya ang kanyang mga braso.
“Magtapat ka sa aking tarantada ka buntis ka ba?” galit na galit na tanong ng daddy niya na sa sobrang lakas nang pagkakasigaw nito ay halos dumagundong ang buong bahay nila.
“Hi-hindi po daddy” ang pagsisinungaling niya dahil di pa siya handang sabihin dito ang kalagayan dahil sigurado siyang papatayin siya nito oras na malaman nitong buntis siya at walang puwedeng iturong ama.
Natulig ang kanyang tenga sa lakas ng pagkakasampal ng kanyang ama pakiramdam pa nga niya ay parang humiwalay na ang kanyang ulo sa leeg dahil sa sobrang pagkakabiling nito.
“Sinungaling kang lapastangan ka manang-mana ka sa iyong Ina malandi” at binigyan pa siya nito ng sampal na ikinadugo ng kanyang mga labi.
“Im sorry daddy im so sorry” ang nasabi na lang niya habang walang patid ang pagtulo ng luha dahil kung magsisinungaling pa siya ay siguradong mata lang niya ang walang latay at hindi rin naman siya makapagtatago dito ng matagal dahil matalas ang pandama nito.
“Sino ang Ama ng dinadala mo ha?” ang tanong nang ama na mukhang handa ng pumatay dahil sa sobrang panlilisik ng mga mata nito at para pa ngang luluwa na ang mga ugat nito sa higpit nang pagkakakuyom ng kamao nito.
“Hindi ko po alam Daddy” ang pagsisinungaling niya ayaw niyang masira ang buhay ni Tyler ng dahil sa kanya at hindi rin naman siya nakakasigurong aakuin nito ang kanilang magiging anak lalo pa ngat magaasawa na ito.
“Haliparot madumi kang babae nakakahiya ka” sabay sampal ulit sa kanya at pinagwagwagan ang kanyang mahabang buhok na sa sobrang higpit nang pagkakahigot nito ay para nang tumutungkab ang anit niya.
“Aray ko po Daddy nasasaktan ako maawa kayo sa akin buntis ako” ang pagsusumamo niya sa Ama habang pilit hinahawakan ang mga kamay nito na humihigot pa rin sa mahaba niyang buhok.
“Lumayas ka layassss !!!! Isa kang kahihiyan malandi ka wala ka na talagang gagawing maganda sa pamilya na ito kundi puro na lang kahihiyan at ngayon ay sisirain mo pa ang pangalan na matagal pinaghirapan ng mga ninuno ko hayop ka lumayas ka dito” ang galit na galit na sabi ng Ama at pilit siyang hinahatak palabas ng banyo kaya humawak siya ng mahigpit sa hamba nang pinto na wala ring nagawa dahil sa lakas ng pagkakahigot ng kanyang ama.
“Wag po daddy wag po patawarin ninyo ako maawa kayo sa akin dadddyy” ang palahaw niya habang nakaluhod sa sahig
“Daddy maawa kayo sa akin wala akong pupuntahan” ang pagmamakaawa niya habang mahigpit na nakahawak sa paa ng kanyang ama
“Lumayas ka wala akong pakialam mula ngayong araw na ito ay di ka na kabilang sa pamilyang ito nagsisi ako kung bakit kinupkop pa kita kahit alam kung hindi kita anak .” Ang nanggagalaiting sigaw ng ama
“Daddy anong ibig ninyong sabihing hindi ninyo ako anak?” ang nagtataka niyang tanong
“Wag mo akong tawaging daddy dahil hindi kita anak, anak ka ng iyong ina sa ibang lalaki pareho kayong haliparot” ang galit na sabi nito at nakita pa niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito marahil ay dahil sa pagkaalala nito sa nangyari.
“Daddy hindi totoo yan naggagalit ka lang sa akin kaya mo sinasabi yan” ang naghihisterya niyang sagot dito dahil hindi siya naniniwalang kaya nang kanyang ina na pagtaksilan ang ama.
“Lumayas ka dito wala akong pakialam kung ano ang paniniwala mo dahil yun ang totoo hindi kita anak kaya lumayas ka ayaw ko nang makikita ang pagmumukha mo dito sa pamamahay ko dahil sa tuwing makikita kita ay naaalala ko lang ginawang pagipot ng iyong Ina sa aking ulo at ng taksil kong Kaibigan kaya lumayas ka layasssss” saka siya nito hinigot sa buhok at kinaladkas palabas ng makarating sa gate ay inihagis siya nito sa kalsada.
“Maawa ka sa anak mo Senyor wag mo siyang palayasin gabi na at delikado sa kalagayan niya” ang lumuluhang pakiusap ng kanya Yaya at pilit siyang niyayakap.
“Wala kang karapatang panghimasukan ang desisyon ko katulong ka lang ditto kaya magsipasok na kayo kung ayaw ninyong matulad sa basurang yan tandaan ninyo mula sa araw na ito ay hindi na yan kabilang sa pamilyang ito kaya ang tumulong sa kanya ay ako ang makakalaban” ang mabalasik na sigaw ng kanyang mga ama sa mga katulong at hinaklas pa ang kanyang yaya na muntik nang sumubsob sa semento.
Kaya walang magawa ang mga ito kungdi ang tignan na lamang siya at lumuha ang kanyang yaya ay pinilit ipinapasok ng isang katulong
“Daddyyyyyyyyyyyyy maawaaaaaaaa ka sa akinnnnnnnnnnn dadddyyyy papasukin mo ako parang awa mo naaa” ang malakas niyang panaghoy ngunit di siya nito pinansin at tuloy tuloy lang itong pumasok sa bahay at malakas na sinarado ang mga pinto.
Iyak pa rin siya ng iyak ngunit wala na siyang magagawa sarado na ang isip ng kanyang ama at alam niya pag sinabi nito ginagawa nito kaya wala siyang pagpipilian kundi ang umalis na lang.
Habang naglalakad palabas ng kanilang hacienda ay di niya maiwasang maawa sa kanyang sarili kasama na ang pagkalito at pagaalala kung ano ang gagawin niya kaya di niya namalayan na nakalabas nap ala siya at nasa may gitna ng daaan muntik na siyang masagasaan ng jeep kung hindi lang ito mabilis nagpreno.
“Hoy kung magpapakamatay ka magisa ka wag ka ng mandamay” ang sigaw ng Driver sa kanya
Pero mas minabuti niyang wag na lang itong pansinin kung alam lang niya sana ang numero ng mga kaibigan niya ngunit hindi niya memoryado at naiwan ang cellphone niya sa bahay wala siyang nadala kahit ano maliban lang sa suot niyang damit at konting pera na natira kanina.
Umupo siya sa bench at binilang kung magkano ang kanyang pera natuklasan niya na kulang 300 lang ang dala niyang pera kulang pa papuntang manila kaya lalo lang siyang nanghina at napaiyak na lang ng biglang may huminto sa harap niya
“Wow miss puwede ka ba ngayon” ang tanong ng matabang mama na bumaba mula sa owner type jeep nito
“Ako po?” at lumingon lingon siya sa paligid nagiisa lang siya
“Oo ikaw nga gusto mo pick up in na kita sobrang nalilibugan ako sa ganda mo siguradong di ako malulugi” ang nakangisi nitong sabi sa kanya na pinasadahan pa siya ng makapanindig balahibong tingin.
“Hindi ho ako pick up” sabi niya sa lalaki sabay tayo lalakad na sana siya ng bigla siya nitong hawakan sa kamay at pilit yakapin.
“Wag ka nang magpakipot babayaran naman kita eh” sabi nito at akmang hahalikan siya nito ng bigla niya itong tuhurin na ikina-pilipit nito.
At nagmamadaling tumakbo nakita niyang sumakay ito sa owner nito at mukhang hinahabol siya kaya lalo niya pang binilisan ang pagtakbo nagpaliko liko siya sa kalye hanggang Makita niya ang jeep ng mga gulay dali dali siyang nagtago sa loob dahil nakita niyang may sasakyang padating siguradong ang bastos na mama yon kaya lalo niyang siniksik ang sarili at nagdasal
“Panginoon ko iligtis ninyo po ako at ang aking anak sa masamang tao pakiusap po” ang umiiyak niyang dasal
Lumipas ang sandal namalayan na lang niyang umaandar ang jeep na sinakyan niya pero dahil sa pinagsama-samang pagod, sama ng loob at pagkalito ay nakatulog ulit siya nagising lang siya ng may biglang tumapik sa kanyang mga braso
“Ineng ano ang ginagawa mo rine?” ang tanong ng matandang babae na mabait ang bukas ng mukha sa kanya
“Naku pasensiya na po kayo nagtago po kasi ako dito ng may humabol sa akin gusto akong gawan ng masama” ang sumbong niya sa matandang babae na nakita niya sa may labas ng jeep.
“Santisima!! Ganon ba iha mabuti naman pala at dito ka sa jeep naming pumasok” ang sabi pa ng matanda at na pakrus pa ito dahil sa kanyang sinabi.
“Halika na iha at ikaw ay bumaba ligtas ka rito” ang sabi ng matanda na parang awang awa sa kanya.
“Nasan po tayo?” ang tanong niya sa matandang babae na iniabot pa sa kanya ang mga kamay nito.
“Nasa maynila na tayo iha sa Baclaran” ang sabi pa nito at tinitigan siyang mabuti.
“Ganon po ba marami pong salamat aalis na po ako” ang paalam niya sa matanda
“O siya iha sige magiingat ka meron ka bang pupuntahan dito iha?” tanong nito
“Opo” sabi niya rito at hinayaan na siya nitong makaalis pagkasaging magingat siya
Sumakay siya ng jeep papuntang dorm ang plano niya ay magstay muna doon hanggang malaman niya ang gagawin total ay bayad naman yon at nandoon ang kanyang mga gamit.
Pagdating sa dorm nila ay pumunta siya sa office dahil wala siyang dalang susi
“Knock knock knock “
“ Come in” ang sabi ni Mrs. Seda ang may ari ng dorm na tinutuluyan niya
“ Good morning po Mrs. Seda” ang bati ko sa kanya
Nagaangat ito ng ulo at halatadong nagulat ito siguro dahil sa itsura niya
“ Ms. Milan what happen to you?” ang tanong nito
“ Long story Ma’am hihiramin ko lang po sana ang susi para sa room ko dahil di ko po nadala” ang pakiusap niya dito kahit pa naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya
Kringggggg
“ Hold on iha I need to take this” sabay turo sa telephone
“ Hello! Yes Mr. Milan “ na ikinalaki ng aking mga mata tinignan din ako ni Mrs. Seda
“ I will Mr. Milan you can assure to that. You too have a good day” pagtatapos nito bago ibinababa ang telephone at hinarap siya
“ That’s your father ayessandra and he told me not to let you in ,do you want to tell me what really happen?”sabi nito na halatang naguguluhan
Ikinuwento niya rito ang mga nangyari kabilang na roon ang pagbubuntis niya at habang nagkukuwento siya ay di niya mapigilan ulit ang kanyang pagiyak habang ito ay nakikinig at halatang nakikisimpatya.
“ I understand ayessa,I don’t know what to do but I feel bad for you,you are still young and the baby ofcourse pero your father told me not to let you in and he want the money back for the payment he made here.”
“I understand ma’am thank you so much for everything aalis na lang po ako ayaw ko pong magkaproblema kayo ng dahil sa akin” ang paalam niya dito
“May mapupuntahan ka ba or mahihingan ng tulong?” bakas ang concern sa tanong nito
“No ma’ am to be honest with you” ang nahihiya niyang sagot
“ I see Ayessa I well ill let you stay here for awhile and you can bring some of your clothes when you leave di mo kasi madadala ang gamit mo bec your father told me to make sure you wont get anything that he buy” ang sabi nito na naawa
“Thank you so much ma’am and I will just bring what I need” ang natutuwa niyang sagot
“Ok go ahead and get some rest” pagtatapos nito
Paglabas niya sa office ay dumiretso siya sa kuwarto at nahiga sa kama habang nagiisip ng gagawin hanggang di niya namalayan na nakatulog na ulit siya at ng magising ay tanghali na naligo na siya at bumaba para kumain dahil wala pa rin ang mga borders ay kaya siya lang at si Mrs. Seda ang kumain at habang kumakain ay  sinabi niya Kanyang plano.
“Saan ka kukuha ng pera iha para makapagsimula sa pupuntahan mo?” ang nagaalala nitong tanong
“Ibebenta ko po itong earings ko siguro po may makukuha ako kahit konti mula dito” ang sabi ko sa kanya
“Ganon ba o sige ikaw ang bahala” sabi nito
“Aalis na po ako mamaya para humanap ng pawnshop” sabi ko naman sa kanya
“Sasamahan kita mamaya sa pawnshop na kilala ko baka lokohin ka nila” ang pagbobolintaryo nito
“Salamat po ma’am di ko po ito malilimutan” ang mangiyak ngiyak niyang sabi dito
“Wala iyon iha o sige bilisan mo na at aalis na tayo pagkakain”
Yun nga ang ginawa nila pagkakain ay umalis sila ay nagpunta ng pawnshop at ibinenta ang kanyang diamond earings.
Dahil tunay na diamond ito na niregalo sa kanya ng daddy at mommy niya ng 18 bday niya ay binayaran siya para duon ng 30 thousand kahit alam niyang mas mahal yun ay pumayag na din siya dahil kakailanganin niya iyon para sa pagsisimula.
Pagkagaling sa pawnshop ay inimpake niya ang kanyang mga damit at tumawag sa mommy niya pero di ito sumasagot makalipas ang limang try at di pa ito sumagot ay sumuko na rin siya dahil talagang di niya malaman kung nasaan ang ina.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :