Linggo, Hulyo 31, 2016

Unknown

Pamamaril sa dalawang lalaki sa labas ng computer shop, nahuli-cam

Nahuli-cam ang biglang pagdating ng isang lalaki at namaril sa grupo ng mga lalaking nakapuwesto sa labas ng isang computer shop sa San Fernando City, La Union. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing dalawa sa mga nakaistambay na lalaki ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng bala. Babala, maselan ang video:
Sa video, makikitang nakaistambal at nag-uusap ang mga biktima sa labas ng computer shop na pag-aari ng isa sa mga biktima. Hindi nagtagal, isang lalaki ang dumating at bumunot ng baril at pinaputukan ang mga biktima. Ayon sa pulisya, target ng gunman ang negosyanteng may-ari ng computer shop na kabilang sa dalawang nasugatan.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :