Biyernes, Abril 15, 2016

Unknown

Ruru at Gabbi, bida sa ‘Naku, Boss Ko’

KUNG mayroong young star sa GMA Network na masayang-masaya ngayon, si Ruru Madrid iyon. Sa kanya kasi ibinigay ng GMA News & Public Affairs ang eight-part episodes ng political romantic comedy series na Naku, Boss Ko para sa Serbisyong Totoo ng GMA para sa darating na eleksyon.
Katambal si Gabbi Garcia, mapapanood ito simula April 25, bago ang Saksi sa GMA 7.
Pero ikinagulat ng Kapuso teen actor nang siya ang mapili para gumanap sa role ni Ybarro sa nalalapit na pagbabalik ng epic serye na Encantadia.
“Nang sabihan po akong mag-audition, medyo nagdalawang-isip ako kung may makukuha akong role,” kuwento ni Ruru.
“Lalo po akong nag-alaala nang pagdating ko sa audition, ang dami-dami namin. Magaganda ang katawan nila, kaya naisip ko na ano ang panlaban ko sa kanila, alam kong hindi pa ganoon kaganda ang katawan ko. Pero ilang beses din akong pinabalik para mag-audition pa ulit dahil titingnan kung saang role kami nababagay.
“Kaya ang laking gulat ko nang i-announce nila na ako nga ang gaganap sa role ni Ybarro na nagulat ako nang si Kuya Dingdong (Dantes) pala ang unang gumanap noon. Hindi ko po lubos na maisip na mapapasali ako sa napakalaking programa ng GMA this year. Ang ipapangako ko lamang po, pagbubutihin ko ang pagganap at paghahandaan ko itong mabuti, ayaw ko pong masayang ang opportunity na ibinigay sa akin ng GMA at kay Kuya Dingdong din, ayaw ko pong mapahiya sa kanya.”
Paspasan na ang paghahanda ng production sa pamumuno ni Direk Mark Reyes dahil malapit nang simulang ang kanilang taping. Nakapagtayo na sila ng tatlong kaharian ng Encantadia sa isang exclusive location sa Pampanga. At seryoso na rin sa praktis ng kani-kanilang fight scenes ang mga Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia. (NORA CALDERON)

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :