Biyernes, Abril 15, 2016

Unknown

Mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, nakalikom ng pampiyansa para sa mga nakakulong na Kidapawan farmers

Saludo kami sa mga gawain ng mag-asawangAiza Seguerra at ni Liza Diño.
Sa tulong ng mga kaibigan nila at kakilala ay nangalap sila ng pondo para sa piyansa ng mga magsasakang nakakulong ngayon sa Kidapawan City Jail dahil sa pagsama nila sarally last April 1, kung saan ang hininingi lang naman nila ay bigas mula sa LGU nila dahil gutom na sila.
Pagbabalita ni Liza na out of 79 farmers na nakakulong na as of Wednesday, 66 mula sa hanay nila ay nakalaya na.
Sa katunayan, binabaan ni Kidapawan CityMunicipal Trial Court Judge Rebecca Deleon ang piyansa na mula sa P12,000 at naging P6,000.

Sa kanyang social media account, sinulat ni Liza Diño: “God news to everyone we were able toraise funds to cover the whole amount of P546, 000.00 to bail out our famers.
Malaki ang pasasalamat nina Liza at Aiza Seguerra sa mga kasamahan nila sa industriya (na ayaw nang magpabanggit ng mga pangalan) na nag-ambag para sa kalayaan ng mga magsasaka.
Bukod sa pagkilos nina Liza at Aiza na nangalap ng pang-bail sa mga magsasaka, may mgaartista na ring naparating ng mga tulong nila sa mga ipinadalang sako-sakong bigas.
Mabuhay kayo, Liza at Aiza!

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :