Biyernes, Abril 15, 2016

Unknown

Kris, balik-trabaho na


SA kanyang Instagram account na muna nakakakuha ng update kay Kris Aquino ang kanyang fans habang wala pa siyang regular TV show. Ibinalita ni Kris na sa kanyang pagbabalik, agad siyang nag-shoot ng TVC for Nestle.
“It felt wonderful to be in front of the camera again, but I’m trying my best to have a good FAMILY LIFE/work/and HEALTH balance,” post ni Kris sa IG.
Sinundan niya ito ng video post na nagsu-swimming sila nina Josh at Bimby. Nakikita sa video na masaya ang mag-iina sa kanilang bonding sa swimming pool.
“I want to be at my best health for them because I want Kuya & Bimb to have the best of me… I said we need to have 1 physical activity we’ll do together everyday. Today they chose swimming — I floated.”
Wala pa ring balita kung may gagawing TV show sa ABS-CBN si Kris, pero kailangan yatang makipag-meeting muna siya sa network executives at mag-renew ng kontrata bago siya magkaroon ng bagong show. Sigurado namang may offer na panibagong kontrata kay Kris, kaya maghintay na lang ang kanyang fans. (NITZ MIRALLES)

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :