Sabado, Abril 2, 2016

Unknown

Ina na pinapanalo ni Kuya Wil, mga anak ang naisip na tulungan kahit itinakwil siya

May kasabihan na kayang tiisin ng anak ang ina pero hinding-hindi matitiis ng ina ang anak. Ito ang napatunayan sa programang Wowowin nang maging kalahok ni Kuya Wil ang isang matandang ginang na itinakwil daw ng kaniyang mga anak. Sa pagtatanong ni Kuya Wil, P600 lang daw ang pinakamalaking halaga na nahawakan ng ginang sa kaniyang paglalaba. Nabubuhay siya sa tulong ng mga kaibigan na sila nagsama sa kaniya sa programa. Kaya naman nang sumalang ang ginang sa pa-contest na patalbugan ng bola, ginawa ni Kuya Wil ang lahat ng paraan para manalo siya ng P10,000.00. Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sa premyo, ipangtutulong daw niya sa kaniyang mga anak. Panoorin ang kaniyang kuwento.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :