Tatlo katao ang naaresto sa isinagawang raid ng pulisya sa ilang bahay sa Tondo, Maynila na ginawa na raw pugad sa pagtutulak ng iligal na droga.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing ang raid sa barangay 129 sa Balut, Tondo ay bahagi ng Oplan Lambat Sibat na isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Manila Police District.
Sa bisa ng search warrant, dinakip ang ginang na si Maria Francia Israel, na nagtitinda ng prutas, at ang kanyang live-in partner na si Joselito Garcia.
Itinanggi ng dalawa na nagtutulak sila ng shabu, sinabi ng pulisya na nagpositibo ang isinagawang surveillance at test buy sa kanila.
Sa kalapit na mga eskinita, narekober ang sari-saring mga pakete ng hinihinalang shabu
Nakatakas naman ang isang subject ng warrant na si Albert Gueta.
Natunton din ng mga awtoridad ang isang bahay na ginawa na raw family business ang pagtinda ng droga.
Naaresto ang isa pang target ng warrant na si Sally Castro pero nakatakas ang asawa niyang si Ulysses.
Sa bahay ay makikita ang isang butas mula sa ikalawang palapag na pinagdadaanan umano ng iligal na droga at bayaran ng mga gumagamit ng shabu.
About Unknown -
Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.