Biyernes, Marso 18, 2016

Unknown

Pulis sa Davao City na nanghalik at nangikil daw sa isang babae, inireklamo

Binastos na, kinikilan pa. Ito ang reklamo ng isang babaeng balikbayan laban sa isang pulis sa Davao City na sumita umano sa kanila ng kaniyang nobyo. Ayon sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, inaresto ng mga pulis sa Talomo, Davao city ang inireklamanong pulis.
Kuwento ng babaeng balikbayan, sinita siya ng pulis habang nasa loob ng sasakyan matapos niyang halikan ang kanyang nobyo sa sasakyan. Pinasakay umano ng pulis ang nobyo sa police mobile nito, at sumakay naman ang pulis sa kotse ng biktima. Sa loob ng kotse, niyakap at hinalikan daw ng pulis ang babae. Hiningan pa raw ng pulis ng pera ang biktima para hindi na sila dalhin sa presinto. Patuloy ang imebstigasyon ng Davao city police ang insidente, habang hindi naman nagbigay ng pahayag ang inirereklamong pulis

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :