Sabado, Marso 5, 2016

Unknown

Mensahe ni Maine Mendoza sa bashers: 'God bless'

Umapaw ang pagmamahal kay Maine Mendoza na nagdiwang ng kaniyang unang kaarawan bilang isang celebrity sa Eat Bulaga nitong Sabado. Kasabay ng pagpapasalamat sa mga sumusuporta sa kaniya, nagbigay din ng mensahe ang Dubsmash Queen para sa bashers. Napuno ng tao ang studio ng Eat Bulaga nitong Sabado dahil sa pagbisita ng mga tagahanga ni Maine at ng tambalang AlDub Nation nila ni Alden Richards.
Ang iba sa kanila, nanggaling pa sa probinsiya at lumiwas ng Maynila para makita at maghandog rin ng sorpresa sa kanilang idolo. Bukod sa Eat Bulaga dabarkds, nakisaya at nagbigay ng pagbati kay Maine ang mga lola sa kalyeserye na sina Nidora, Tidora at Tinidora. Hindi rin siyempre mawawala si Alden, at ang buong pamilya ng dalaga. Hindi naiwasan ni Maine na maging emosyunal habang nagpapasalamat sa mga biyaya na nakamit niya mula nang mapasama sa Eat Bulaga at mabuo ang tambalan nila ni Alden sa kalyeserye noong Hulyo 2015. Labis-labis din ang pasasalamat ng dalaga sa mga taong sumusuporta sa kaniya at sa tambalan nila ni Alden. Ani Maine, masarap na malaman na marami ang nagmamahal sa kanila. Pero maliban sa kanilang supporters, nagbigay din si Maine ng mensahe sa mga basher sa unang pagkakataon. "Para mga nagpapabagsak at naninira, ang message ko lang sa inyo, God bless," saad niya. Ipinaalala niya na walang maganda at mabuting idudulot ang paninira at paghahanap ng kapintasan ng iba. Dagdag pa niya, bilang tao, lahat ay nagkakamali at walang perpekto. Nananatili naman sa likod ni Maine si Alden ang kanilang supporters. - See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/557935/showbiz/chikaminute/mensahe-ni-maine-mendoza-sa-bashers-god-bless#sthash.VbgrjwaP.dpuf

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :