Huwebes, Marso 17, 2016

Unknown

Libo-libo dumagsa sa 'homecoming' ni Duterte sa Davao City

DAVAO CITY - Libo-libong mga taga-suporta ni presidential candidate Rodrigo Duterte at ng kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Cayetano sa campaign rally nila sa balwarte ng PDP-Laban standard bearer. Hindi mahulugang karayom ang dami ng mga supporters nina Duterte at Cayetano na dumagsa sa kanilang campaign rally. Tinatayang nasa 20,000 ang dumalo sa nasabing rally. Nag-candle lighting ang mga supporters ng Duterte-Cayetano tandem bilang simbolo ng kanilang taus-pusong pagsuporta at paghingi ng gabay sa kinikilala nilang mga ilaw ng pagbabago para sa bansa. Sa naturang campaign rally, binuweltahan nina Duterte at Cayetano ang kanilang mga kalaban sa pulitika. Si Cayetano, binuweltahan ang ibang mga vice presidential bets gaya ni Senator Francis Escudero na ayon sa kaniya ay pinipili lamang ang mga dinadaluhang hearing sa Senado para sa mga umano'y tiwali na mga nasa serbisyo. ''Yung ibang mga senador kasama ko sa mga hearing sa Senado pero nakita niyo ba si Senator Poe at Escudero sa corruption hearing nina Estrada? Wala, kasi pinipili lang nila ang mga pulitiko na kanilang dinadaluhan,'' ani Cayetano.
Si Duterte naman ay bumwelta din kina Vice President Jejomar Binay, Senator Poe at lalo na kay dating Interior Secretary Mar Roxas. Nabanggit ni Duterte ang umano'y pagkakasangkot ni Binay sa mga anomalya habang tinira naman niya si Roxas sa umano'y kapalpakan nito sa pag-responde sa Bagyong Yolanda. Nagbigay din ng komento si Duterte sa hinanakit niya sa naging desisyon ng Korte Suprema patungkol sa diskwalipikasyon ni Poe. ''Hanggang ngayon hindi pa rin ako agree na natural-born Filipino si Senator Grace Poe… But it's the decision of the Supreme Court. We will respect that pero until now SC still have not explained why she is a Filipino. Her husband is an American citizen. Her children are American citizens. Not even her family can vote for her,'' aniya. Kapansin pansin rin na nakataas ang kamao ni Duterte nang umakyat sa entablado, na ayon sa kanya ay tanda ng kanyang galit sa katiwalian sa gobyerno. Dumalo rin sa naturang sortie si dating Interior secretary Rafael Alunman na tumatakbong senador.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :