Martes, Marso 29, 2016

Unknown

A Night to Remember: Chapter 1

Sa umpisa ay isa lamang paghanga ang nararamdaman ni Ayessandra kay Tyler Fuentabelia ang pinakasikat at hinahangaan ng halos lahat ng kababaihan sa university nila.
Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman niya dito, bakit Hindi Ito Na ata ang pinakaguwapong nilalang Na nakita niya bukod pa sa matalino at nanggaling sa mayamang pamilya.
Kaya isang gabing di inaasahang makita nila ng mga kaibigan niya si Tyler sa bar kasama ang mga Kabarkada nito, she take that chance to get him notice her even just for that night.
And she succeed she didn’t only make him notice her she also gave herself to him, But did she really win to get his attention or just a mistake that will lead her with long road full of heartache?
Story:
Third year na sa kursong law si Ayessandra bagamat matalino at matataas ang grado ay di pa rin siya makadama ng kaligayahan dahil na rin siguro sa di naman talaga yun ang gusto niyang kuning kurso dahil mula pagkabata ay pangarap na niyang maging writer na lubos na tinututulan ng kanyang magulang .

At isa pang dahilan kung bakit kahit gusto niyang maging writer ay abogasya pa din ang kinuha nya ay dahil parehong kinikilalang abogado ang kanyang mga magulang at sumunod na din sa yapak ng mga ito ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at dahil gusto niyang makuha ang loob ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama na sa simula pa lang ay hayagan ng pinapakita sa kanya na di pantay ang pagtingin nito sa kanilang dalawa ng Ate niya.

Kung lagi nitong pinupuri ang Ate Lira niya ay kabaliktaran naman nito ang kanya lahat na lang ng lait at pintas ay natitikman niya sa ama kahit minsan sa buhay niya ay di niya pa naranasan ang mapuri at mahalin ng ama samantalang ang Ate Lira niya ay sagana sa pagmamahal at atensiyon nito mabibigyan lang siya ng pansin pag may napuna nang mali sa kanyang ginagawa, Tulad na lang ngayong araw

Tok! Tokk! Tok!
“Bukas yan” mabagsik na sabi ng kanyang ama at nang pumasok siya ay nakita niya itong nakaupo sa table nito at mukhang may tinitignan.
“Good Evening dad pinapatawag nyo daw po ako?” ang ninenerbiyos niyang bati dito dahil di siya nito pinapatawag Kung di rin lang siya nito pagagalitan or pupunahin.
“Anong klaseng grado ito ha ? May gana ka pang ipakita ito sa akin!”. ang mabalasik nitong sigaw sabay hagis sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang kanyang grado muntik pa ngang tumama ito sa kanyang mukha.
“Sorry dad I really try my best but …….”
Ang mangiyak ngiyak niyang sagot bagamat matataas naman ang kanyang marka ay di pa din ito sumapat sa pamantayan nito.
“But you are no good!” ang sigaw nito sa kanya na talagang walang bilib kahit noong una pa man naalala pa nga niya na sinabihan siya nitong wag nang magabogasya dahil hindi raw yon para sa mga katulad niya na walang utak naalala pa nga niya hanggang ngayon ang sakit na lumatay sa kanyang puso.
“I told you already that you will fail you are nothing compare to your sister! Ang Ate mo nagtapos ng magna cum laude sa law school, nagtop pa sa bar exam at lagi kaming binibigyan ng karangalan ikaw ano? Puro kahihiyan ang inaabot namin ng mommy mo”
Ang galit Na galit Na litanya nito halos sumabog na ang kanyang tenga sa sobrang lakas nang pagkakasabi nito.
“Im just wasting my money on stupid like you” ang mas masakit na dagdag pa nito na halos magpalambot na sa kanyang mga tuhod dahil sa sobrang emosyong nararamdaman niya pero pilit siyang nagpakatatag hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay sa mga masasakit na salita nito.
“Sige lumabas ka na at lalo mo lang pinagiinit ang ulo ko” ang sigaw nito habang nakaturo pa ang mga kamay sa pintuan.
Kaya dali dali siyang lumabas ng study room muntik pa siyang madulas sa hagdan dahil sa walang hintong pagpatak ng luha mabuti na lang at nakahawak siya sa railing ng kanilang hagdan kung nagkataon ay bumagsak na siya dahil sa pagmamadaling makarating sa kuwarto niya.
Nagulat pa siya ng maramdaman niyang may pumasok at ng lingunin niya ay nakita niyang palapit ang kanya Yaya na nasa katanghalian ang idad.
 “Ayessa iha ok ka Lang ba?”  Bakas sa mukha nito ang paalala sa kanya dahil saksi ito sa madalas na hindi makataong pagtrato sa kanya ng Ama dahil mula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya.
“Yes Yaya” aniya bagamat di mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa kanilang bahay na it ay ito lang ang kanyang kakampi at madalas mapagsumbungan.
“Anak na to wag ka nang umiyak hayaan mo na ang Daddy mo alam mo naman ang ugali non” ang alo nito sa kanya na pilit pinasasaya ang boses ngunit hindi pa rin nito matago ang nararamdamang awa sa kanya.
“Yaya bakit ganon Kung ituring ako ni Daddy parang hindi nito Anak parang si Ate lang ang mahal niya” ang patuloy na pagsusumbong niya habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.
“Hindi totoo yan Iha mahal ka ng Daddy mo di niya Lang alam kung pano ipaparamdam sayo” ang dagdag pa nito habang hinihimas ang mahaba niyang buhok.
“ Mahal e mula ng bata ako di ko man lang naramdaman ang pagmamahal ng Magulang ,, Si Daddy laging galit sa akin si Mommy naman laging wala ni hindi ito mapirmi sa bahay kung nandito naman siya lagi lang silang nagsisigawan ni Daddy.”
“Iha may mga bagay na di natin mapanghihimasukan, kung ako sayo ay wag mo na lang pansinin nandito naman si Yaya” ang dagdag nito at niyakap siya na parang sinasabi ng mga haplos nito na di siya nagiisa.
“O tama na yan ok? Wag ka ng iiyak sige ka papangit ka niyan” ang tudyo pa nito sa kanya na ikinangiti na niya.
“Matagal na akong pangit Yaya” ang sabi naman niya na pinapahiran na ang mga luha dahil medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam.
“Naku Iha sinong nagsabing pangit ka at uupakan ko” ang sabi pa nito at itinaas pa ang mga kamay na tila talaga may hinahamon ng suntukan.
“Ang Yaya talaga” ang napapatawang sabi niya kahit kailan talaga ay ito ang nagpapasaya sa kanya at si Tyler ang kanyang si Tyler.
Dahil sa sobrang sama parin ng kanyang loob sa Ama ay mas minabuti na lang niyang umalis na kesa naman manatili sa kanilang hacienda at lalo lang siyang aawayin ng kanyang Daddy kaya bumalik na lang siya ng mas maaga sa Dormitory kung saan siya nagiistay habang nagaaral siya sa manila.
“ Naku ang aga naman ng paborito kong border dito” ang nakangiting bati sa kanya ni Nanay Remy ang kusinera at tagalinis sa kanilang dorm nakapalagayan niya rin ito ng loob dahil masarap itong kausap at napagsusumbungan din niya dahil malayo na nga ang kanyang yaya
“ Hehe si Nanay Remy talaga baka mamaya niyan marinig kayo ng iba pang borders sige kayo” ang may himig pananakot niyang sabi sa matanda
“ Sus hayaan mo nga sila e sa tutoo naman ang susuplada at akala mo ay mga Prinsesa” ang nakaingos pa nitong sagot sa kanya ,di niya masisi kung bakit ganon ang sinasabi nito dahil parati itong pinagsusupladahan ng ibang borders na mga anak mayaman din.

“O Nanay Remy ang wrinkles ninyo nadagdagan na po ng isa pang guhit” na ikinatawa nito
“Ay may pasalubong po ako sa inyo pasensya na yan lang po, kasi nagaway na naman kami ng Daddy kaya napabalik ako agad dito” ang sabi niya habang inaabot ang mga dala niyang prutas at bestida.
“Sus ang Anak na ire nagabala pa maraming salamat kaya naman gustong gusto kita bukod sa hindi ka na suplada ay napakabait mo pa” ang sabi nito at binigyan pa siya ng halik sa pisngi
“Naku binubola naman ako ni Nanay Remy kaya tuloy lagi akong nagdadala ng pasalubong para lagi ninyo akong pinupuri” ang biro naman niya na ikinatawa nilang pareho.
Pagka lunes ay excited siyang gumising dahil makikita na naman niya si Tyler kaya dali dali siyang naligo at nagbihis lagi siyang maagang pumapasok hindi dahil sa maaga siyang magising kundi dahil pumupunta pa siya ng library dahil laging nandoon ang kanyang si tyler tuwing umaga.
 Pagdating niya pa Lang sa school ay dali dali siyang nagtungo sa may library nagpunta sa may hilera ng libro ng literature kung saan kitang kita niya lagi si Tyler ng mas malapitan.
Ngunit wala pa si Tyler sa lagi nitong puwesto ang lamesa sa may sulok kung saan puwede kang gumamit ng computer or kung may dala kang laptop.
Pinagala niya ang kanyang paningin sa isip isip ay baka nahuli lang ito maaga pa naman at wala pang masyadong estudyante ng tatalikod na sana siya ay bigla siyang tumama sa matigas na bagay at ng lingunin niya ay nagrambulan ang tibok ng kanyang puso
“Hey watch out” ang sabi nito sabay salo sa kanyang bewang dahil kung hindi nito iyon ginawa ay siguradong sa matigas na semento ang bagsak niya
“I-i-m so-r-r-y” ang nagkakandautal utal niyang sabi dahil ang lalaking kanina pa niyang hinahanap ay halos isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha
“Are you okay?” ang tanong nito sa kanya habang dahan-dahan siya nitong itinayo hindi pa rin niya maalis alis ang pagkakatignin sa napaka guwapo nitong mukha.
“Y-ye-s” ang matagal niyang sagot dahil abala ang kanyang diwa sa nakakaliyong tibok ng kanyang dibdib.
“Just be careful next time ok?” ang sabi nito sa kanya na nakatulala pa rin dito bago siya tinalikuran.
Ahh napakasarap ng kanyang pakiramdam dahil kinausap siya ng kanyang crush simula pa ng unang beses niya itong Makita sa campaign ng tumatakbo pa lang itong President sa kanilang school.
 Para pa rin siyang nasa alapahap habang nakatingin dito na nakaupo na ngayon at may ginagawa na sa laptop nito.
Nagulat pa siya ng bigla itong lumingon kaya Dali dali siyang tumalikod at lumabas na ng library.
“Ayessaaa!” ang narining niyang tawag sa kanya ng lingunin niya ay nakita niyang kumakaway ang kanyang tatlong kaibigan na nakaupo sa bench sa harap ng kanila classroom.
“Hello Girls” ang nakangiti niyang bati sa mga ito ng makalapit siya
“Hey para atang napakasaya mo?” ang nagtatakang tanong ni Iza na nagisang linya pa nga ang mga kilay nito na maninipis.
“Yes im very happy nakausap ko si Tyler” ang nangangarap pa rin niyang sagot sa mga ito pakiramdam niya ay para pa rin siyang nasa ala-paap dahil sa sobrang kasiyahan.
“What? Really? Where?” ang sunod sunod na tanong ni Iyah dahil alam ng mga ito kung gaano siya kapatay kay Tyler
“Sa library, nakabungo ko siya at ng muntik na akong mahulog kaya sinalo niya ako sa aking baywang” ang kilig na kilig niyang kuwento na sinamahan pa nga niya ng paghipo sa bewang na parang nandoon pa rin ang mga kamay ni Tyler.
“Wow really ano pa nangyari?” ang excited din na tanong ng mga ito dahil na rin siguro sa paraan ng pagkukuwento niya na may kasama pang mga action.
“E wala na tinanong niya lang ako kung ok lang ako tapos ng sabi ko oo binitiwan na niya ako”
“What bakit di mo sinabing your not fine e di Sana yakap ka pa rin niya hanggang ngayon” ang sabi naman ni Ara na nakakunot ang mga noo hindi siguro makapaniwalang pinakawalan niya ang matagal na pagkakataong hinihintay niya.
“Huh e Hindi ko naisip yun kasi natataranta ako ni hindi pa nga ako makapagsalita” ang sagot niya na bahagya nang nanghihinayang bakit
nga ba di niya naisip agad yun sayang talaga.
“Di bale sa susunod na lang” ang desidido niyang sabi sa mga ito bagamat diskumpiyado siya sa sinabi.
“Kung may susunod pa iha, napakadalang lang mangyari ng milagro” ang sabi naman ni Ara na ikinatawa ng kanyang kasama.
“Hmpt sama ninyo naman malay ninyo” ang di nasisiraang loob na sabi niya.
“Miss you forget your bag” ang narinig nilang sabi ng boses na kilang kila niya akala niya guni guni niya lang at ng lingunin niya ayun ang lalaking kanilang pinaguusapan, napatulala naman siya at di mahagilap ang kanyang dila kung hindi pa siya siniko ni Iyah ay hindi pa siya magigising na parang nanaginip niyang diwa
“Hoy ang bag mo daw sabi ni Cutie pie” ang sabi ni Ara na halatadong nagpapacute
“You forget to pick your bag Miss” ang sabi pa nito na halatang naiinip na sa kanya
“Oh I see” ang kanya na lang nasabi sabay kuha sa bag na nasa kamay nito ,hindi niya namalayang nahulog ito ng mabungo niya ito at nakalimutang damputin dahil sa sobrang excitement niya kanina.
“Ok I have to go bye” ang sabi nito at tumalikod na
“Hoy bruha nakaalis na hindi ka man lang nakapag thank you” ang tapik sa kanya ni Iza sa may balikat.
“Huh” ang nagulat niya pang sabi
“Oo nga” ang naiinis niyang sabi dahil bakit ba lagi na lang nawawala ang dila niya pag ito na ang kaharap lagi siyang na memental block
“Sabi ko na nga ba pakakawalan mo na naman ang chance” ang nakakalokong sabi ni Iyah sa kanya na nakangiti pa na parang nakakaloko.
Sasagot pa Sana siya kaso bigla na lang ng ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase nila.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :