KINAAALIWAN ang mga eksena ni Regine Velasquez sa Poor Señorita
kasama ang tinawatag na “mga batang yagit” na kinabibilangan nina Miggs
Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice at Jillian Ward. Kasama rin sa grupo
si Ayra Mariano na kahit baguhan, nakakasabay sa tropa.
Tuwang-tuwa si
Regine sa feedback ng netizens sa Poor Señorita gaya ng effortless
siyang umarte, bagay siya sa comedy, at natural ang pagpapatawa niya.
Ang pinakagusto niyang feedback ay ang sinasabing stress reliever sa
televiewers ang kanyang rom-com series.
Kaya kahit nami-miss ni Regine ang mag-ama niyang sina Ogie Alcasid
at Nate tuwing may taping siya, napupunan ang pagka-miss niya sa asawa
at anak ‘pag nababasa ang positive reviews.
Kaya deadma na si Regine sa mangilan-ngilan niyang basher, pero tama rin ito na kung minsan, sinasagot ang mga ito.
“Kapag tinatamaan ako ng konti, sinasagot ko. Hindi naman ako
nakikipag-away. Most of the time also, ‘pag bina-bash nila ako, mali ang
information. So kino-correct ko lang ang information. And then, I also
try to encourage them to use their voices to make people happy. To
encourage people. Kasi mas maganda naman yun kesa ‘yung you’re just out
there typing bad things. Mas maganda ‘yung nakakapagpaligaya ka ng iba.
Nakaka-inspire ka ng kapwa,” pahayag ni Regine.
Samantala, magsisimula this Sunday ang The Regine Series Nationwide
Tour ng PLDT sa SM Bacoor sa Cavite. Magkakaroon ng Regine Sing-Alike
contest at iba pang pa-contest at ang mag-a-avail ng The Regine Series
phone ay may-chance na manalo ng VIP seat sa event. (Nitz Miralles)