Marami ang nagulat
sa suporta ni Sharon kay Leni dahil alam nating lahat na malapit ang
kanyang pamilya sa mga Marcos. Pero hindi si Sen. Bongbong Marcos ang
sinusuportahan niya.
Nauna nang nagpahayag ng suporta kay Leni si Kris Aquino at ang
bilang nga namin, may dalawang TVC nang ginawa si Kris para sa VP niya.
Ang huling TVC na lumalabas sa telebisyon, sinabi ni Kris na, “Kay Leni
Robredo naaalala ko ang mom ko, naglilingkod kasi ng walang kapalit.
Bilang abogado ng mahihirap, maraming pamilya ang kanyang naiangat. Kaya ang boto ko, Leni Robredo.”
Sa isang interview, nagpahayag ng pasasalamat kay Kris si Leni at sinagot din ang pangmamaliit ng kampo ni Sen. Bongbong sa suporta sa kanya ni Kris.
“Sa akin lang, nagpapasalamat ako kay Kris. Unang-una, nahihiya naman ako mag-solicit ng ganitong tulong pero siya ‘yung nag-volunteer. At hindi lang niya vinolunteer ang kanyang libreng serbisyo pero pati ‘yung production, pati ‘yung showing vinolunteer niya ‘yun.
“Sino naman ba ang aayaw na Kris Aquino ‘yun, number one endorser sa ating bansa, kilala ng lahat na hindi nag-i-endorse nang hindi niya pinapaniwalaan, whether tao ‘yan o produkto. Kaya malaking bagay iyan para sa akin,” pahayag ni Leni.
Heto naman ang pahayag ni Leni tungkol sa pangmamaliit ni Sen. Bongbong sa suporta ni Kris: “Hindi naman siya makakapagsabi niyan, ‘yung makakapagsabi niyan ay ‘yung epekto ng endorsement. Hindi lang isang tao ang magsasabi, pero ang magsasabi niyan ‘yung resulta after pinakita ito (TV ads).”