Linggo, Abril 10, 2016

Unknown

Nadine, naging back-up singer/dancer ni Sarah

TOTOO ngang talaga na parang gulong ang buhay, kung minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
Pitong taon na ang nakararaan ay naging back-up singer ni Sarah Geronimo ang grupong Pop Girls na kinabibilangan nina Shy Carlos, Rosalie Van Ginkel, Lailah at Mariam Baustria (kambal) at Nadine Lustre. Yes, ka-join si Nadine sa Pop Girls na binuo ng Viva Artist Agency pero hindi naman nagtagal kaya nagkanya-kanyang career na lang sila.
Ang Pop Girls ang back-up ni Sarah sa concert niyang Record-Breaker noong 2009 habang kumakanta ng Nobody.
Muling nanariwa ang nakaraan dahil sa throwback video post ng mommy ni Nadine sa Instagram. Ang video clip ay kuha sa concert ni Sarah ng isang JaDine fan. (Maaari itong papanood sa @myplustre “#throwback #popgirls #nadinelustre #sarahgeronimo.)
Pagkatapos ng Nobody production number ay isa-isang tinanong ni Sarah ang pangalan ng members ng Pop Girls para maipakilala sa mga nanonood sa Araneta Coliseum.
Sino ang mag-aakala na pagkalipas pala ng pitong taon ay sisikat si Nadine kasama ang boyfriend cum love team niyang si James Reid dahil sa phenomenal TV series na On The Wings of Love.
Samantalang si Sarah G naman ay nagdesisyong mag-lie low muna sa exposure niya sa telebisyon at sa ASAP20 lang muna siya mapapanood kaya tinanggihan niyang maging isa sa voice coach sa magbabalik na The Voice Kids, Season 3, na eere sa Hulyo. (REGGEE BONOAN)

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :