MAGLI-LEVEL-UP na sa bagong pelikulang gagawin sina Kathryn Bernardo
at Daniel Padilla dahil ang premyadong direktor na si Olive Lamasan ang
hahawak sa kanila.
Isa ito sa
big-budgeted films ng Star Cinema. Ayon kay Kahtryn, 90% ng movie ay
kukunan sa Barcelona, Spain. Sa kasalukuyan, isinasagawa pa ang ocular
sa Spain para sa locations na pagsisiyutingan nila. At kung masusunod
ang kanilang timetable, sa huling linggo ng Mayo ang alis ng tropa ng
produksiyon papuntang Spain.
Habang naghihintay ang ng go-signal, mag-aaral daw muna ng Spanish lessons ang KathNiel para sa kani-kaniyang karakter.
“Kapag marunong na ako mag-Spanish hindi na; ako magta-Tagalog,” pabirong sabi ni Daniel.
Nagdiwang ng 20th birthday si Kathryn kamakailan at aniya’y maganda
at sorpresang regalo ang pagdidirek sa kanila ni Direk Olive.
“Mukhang maraming preparations kasi alam namin si Inang, bihira siya
gumawa ng pelikula and sobrang pasasalamat namin dahil tinanggap niya
ang project na ito. Excited talaga kami,” ani Kathryn. “Sabi nga namin
ni DJ, itotodo talaga namin dito sa movie. We are very thankful kasi
pinaghahandaan talaga ng lahat itong pelikula.”
Nagpahayag naman si Daniel na kahit papaano ay kabisado niya kung paano magtrabaho si Direk Olive.
“Hindi ko naman masasabi kung ready ako pero I’ll do my best.
Gagalingan namin ni Kathryn. Siyempre, nandiyan naman si Direk Olive
para gabayan kami sa lahat ng eksena namin. Hindi niya kami titigilan
hangga’t hindi niya nakukuha ‘yung gusto niya. Talagang excited din kami
doon,” sey ng Teen King.
Ang ilang sa critically-acclaimed movies ni Direk Olive na
blockbuster hits din ay ang Madrasta, Milan, In The Name of Love, In My
Life, The Mistress, at ang Starting Over Again nina Piolo Pascual at
Toni Gonzaga na kasalukuyang highest grossing Filipino film sa kinitang
P410M sa domestic box office.
(Editor’s note: After Piolo and Toni movie noong 2014, ngayon lang
uli gagawa ng pelikula si Olive Lamasan. Masundan kaya ng KathNiel ang
record ng Starting Over Again? Abangan!) (ADOR SALUTA)