Ni NORA CALDERON
TODO na uli ang pagtatrabaho ni Marian Rivera.
Nalaman sa presscon
ng ini-endorse niyang Maxi-Peel Exfoliant na magkakaroon siya ng fight
scenes bilang si Ynang Reyna sa Encantadia 2016, kaya nagsisimula na raw
siyang magpraktis sa bahay nila ni Dingdong Dantes.
Sa isang video na lumabas, habang nagpa-practice si Marian ng action
moves niya, kitang-kita na kayang-kaya talaga niyang makipag-fight
scene.
Inspired yata si Marian dahil ang asawa mismo ang kaagapay niya bilang si Haring Raquim.
Excited ba siya lalo’t matagal-tagal na rin huli nilang pagtatambal (four years ago sa My Beloved)?
“Oo naman,” nakangiting sagot ni Marian. “Kahit araw-araw kaming
magkasama ni Dong, iba pa rin iyong magkasama kami sa trabaho. Kahit
sabihin ninyong corny, pero medyo kinikilig ako. Kahit pa may Baby Zia
na kami, iba pa rin ang feeling kapag sa trabaho na.
“Nakakatuwa nga noong una kaming mag-shoot ng TV commercial ng
Philippine National Bank, nagtanungan pa kami kung ano ang feeling na
muli kaming magkatrabaho. Kinikilig ba siya tulad ng nararamdaman ko,
sabi niya, excited din daw siya. May ganoon kaming moment ngayon.
“Nakakatuwa dahil hindi pa rin nawawala sa amin iyon. Saka rumururok
iyong pagkaano ko sa kanya. Rurok talaga ng pagnanasa! Nakakatuwa kasi
si Dong, the more na naging tatay na siya, mas naging passionate siya.
Iba talaga. May nagsabi nga na yummy pa rin si Dong, para sa akin,
hindi. Kapag sinabi kasing yummy, parang nakakaumay, hindi, hindi ganoon
si Dong. Ay, naku, baka masundan agad si Zia,” at tumawa nang tumawa si
Marian.
Malamang next week, magsimula na ring mag-taping si Marian ng
“Encantadia 2016” kasama ang mga Sang’gre na gagampanan nina Glaiza de
Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia, sa direksyon ni Mark
Reyes.