Ni MELL NAVARRO
SA Facebook namin nabasa ang post ng sister ni Julio Diaz, si Ana
Marie Regaliza-Datuin (ang real name ni Julio ay Marnie Regaliza), na
nangangailangan ang kanyang kapatid ng brain surgery (within 24-48
hours) upang malaman kung may brain aneurysm ito (o makaiwas rito).
Ang kinakailangang halaga ng operasyon ay isang milyong piso o 30,000 dollars, kaya humihingi ng saklolo ang kapatid ng aktor sa mga may kakayahan sa usaping pinansiya
Ang kinakailangang halaga ng operasyon ay isang milyong piso o 30,000 dollars, kaya humihingi ng saklolo ang kapatid ng aktor sa mga may kakayahan sa usaping pinansiya
Isinugod si Julio Diaz sa ospital kamakailan nang himatayin at may
suspetsang dahil ito sa stroke at ayon pa sa kapatid, hindi gagawa ng
medical procedure ang ospital kung wala ang bayad.
“More than a million pesos or $30,000 plus is required to keep him
alive, the kind of money he does not have right now since he is no
longer active in acting as he was during the late 80s to early 90s.
“At the moment, all he’s getting is pain medication to ease the
severe headache until he gets the surgery he needs,” sabi ni Ana sa
kanyang post, na tila nasa abroad ngayon kaya ang anak nitong si Michael
Datuin ang nag-aasikaso sa kanyang uncle Julio.
Ang impormasyong kumalat sa text at social media, nailipat si Julio
ng ospital mula sa Montefalco Hospital (NLEX) papuntang East Avenue
Hospital.
As we go to press, hindi pa kumpirmado kung naoperahan na ang premyadong actor.
Sa mga may ginintuang puso na mayayaman (o may kakilala) na nais
tumulong financially kay Julio Diaz, mangyari po lamang na
makipag-ugnayan sa kanyang pamangkin na si Mike Datuin sa mobile number
na 0908-1494960.
Ipagdasal rin po nating lahat ang recovery ni Julio Diaz, isa sa underrated actors ng industriya.