Miyerkules, Abril 27, 2016

Unknown

Derek walang kainte-interes sa pulitika!


Ilang araw na lamang ay eleksyon na pero hanggang ngayon ay hindi pa raw desidido si Derek Ramsaykung sino ang kanyang iboboto bilang Presidente. “It’s an interesting time for our country. Ang hirap i-identify. Just like before I keep that right. It’s so hard to vote because everyone has to say something about the other one. Very difficult times but at the same time, very exciting,” nakangiting pahayag ni Derek.
Maraming mga artista ang sumasabak sa pulitika ngunit hindi raw sumagi sa isipan ng aktor na pasukin din and mundo nito. “It’s really stressful life. You have to be two hundred percent committed. Passionate about public service and giving back to people. You can do it in some ways. By charity works and helping out your fellow citizens. But getting into politics is a totally different ball game. There’s a positive side to it, there’s a negative side to it,” paliwanag ni Derek.
“The campaign is so stressful how to connect with your audience to convince them na ikaw ang iboto, ikaw ang hindi corrupt. At the same time, kung alam mong hindi ka corrupt and you are trying to help, it’s frustrating when you can’t get that across. So it’s frustrating, disappointing when you give everything in your life at hindi ka pa rin iboboto sa pwesto,” dagdag pa niya.

KZ iniba ang anyo sa bagong album

Pinaghahandaan na ngayon ni KZ ang kanyang pangalawang album. Tiyak na ikatutuwa raw ito ng mga tagahanga dahil ibang-iba ito sa unang album ng singer. “’Yung first album ko kasi more on malungkot. So more on malumanay ‘yung album. ‘Yung unang album ko nga, hindi narinig ng tao na marunong pala akong mag-rap. Medyo hindi lahat ng influence ko narinig doon. So dito sa album na ‘to maraming gano’n. Inaabangan din ang sagot do’n sa tanong na sino ang pipiliin mo, mahal mo o mahal ako, nando’n ‘yung sagot,” pagbabahagi ni KZ.
Isa rin sa mga dapat abangan sa bagong album ay kung ano ang magiging fashion style ng singer. “’Yung unang album namin very big hair diva, gano’n. Dito sa second album na ‘to lalabas na ‘yung mas edgy si KZ. Hindi siya ‘yung girly-girly, kung mag-gown ako edgy pa rin. Doon ko ipalabas at gustong-gusto ko na ‘yung short hair ko eh, parang I’m keeping it. Nasanay na ako ng short hair at mas kilala na ako na short hair din,” pahayag ng dalaga.
Bukod sa bagong album ay magiging abala na rin si KZ para sa kanyang ikalawang concert. “Meron kaming gagawin, kung sa Music Museum ‘yung dati, ito mas malaki. Mas masaya, iba-iba ‘yung maririnig n’yo sa concert na ito,” pagtatapos ng singer. 

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :