Miyerkules, Abril 27, 2016

Unknown

Karla pinauuna kay Daniel ang Diyos!


Namamayagpag ang showbiz career ngayon ni Karla Estrada. Bukod sa pagiging isa sa mga hurado sa Tawag ng Tangalan ng It’s Showtime ay isa rin sa mga host ng Magandang Buhay ang aktres. Bida rin si Karla sa Funny Ka Pare Ko na napapanood sa Cinemo channel tuwing Linggo ng gabi.
Bukod sa mga nasabing proyekto ay ang aktres din ang tinagurian ngayong Barna na  pinaghalong Barney at Darna. Pinauso raw ang salitang ito ng kaibigang si Vice Ganda. “Yes, siya nagpauso no’n. So no’ng nag-guest ako sa Gandang Gabi Vice, finally naglagay na siya talaga ng malaking poster and then no’ng sabi niya, ‘Ikaw na ang gumawa ng theme song. Kinanta ko and habang kinakanta ko, ‘I love you, you love me, Barna!’ Ay! Ang ga­ling, parang palaban talaga ang Barna. Manggagaling ang powers ko sa biik. Sinave ko kasi dahil nu’ng le-lechon-in na siya, si-nave ko siya, at dahil diyan sabi niya, dahil sinave mo ako bibigyan kita ng powers,” natatawang pahayag ni Karla.
Samantala, katatapos pa lamang magdiwang ng ika-21 kaarawan ng panganay na anak ng aktres na si Daniel Padilla. Ano kaya ang birthday wish ni Karla para kay Daniel? “Wish ko lang talaga para sa kanya ay manatiling may mabuting puso. Ipagpatuloy niya ‘yung magandang naum­pisahan. At of course ‘yung tumodo siya sa pagiging maka-Diyos. Lahat ng dadaan sa ‘yong problema anak, isa lang pwede mong lapitan, ang Diyos lang. Bago nga sa akin, ang Diyos muna. So pagpatuloy mo lang ‘yan anak, I mean he’s not perfect pero lamang ang magaganda niyang traits bilang tao,” pagbabahagi ni Karla.

Anne pinakikialaman pa rin ang lovelife ni Jasmine

Kamakailan ay napabalitang may bagong ka­sintahan na si Jasmine Curtis-Smith. Kasintahan ngayon ng aktres si Jeff Ortega na isang surfer. Masaya raw si Anne Curtis ngayon para sa love life ng nakababatang kapatid. Boto rin si Anne sa bagong nobyo ni Jasmine. “Mabait talaga. Nakilala ko na siya before pa, tapos mabait siya. Nakikita ko paano siya um-effort kay daddy, kay mommy, cute,” nakangiting pahayag ni Anne.
Matatandaang hindi na­ging boto noon ang aktres sa dating kasintahan ni Jasmine na si Sam Concepcion. 
Hanggang ngayon ay pinakikialaman pa rin daw ni Anne ang nakababatang kapatid pagdating sa pag-ibig. “Siyempre nakikialam! Gusto ko rin ma-involve sa mga plano nila. Tulad nito, magpa-party pala hindi ako na-invite. Sabi sa akin, ‘Ay! Ate puro kami bagets.’ Aray!,” natatawang kwento ni Anne.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :