Miyerkules, Abril 27, 2016

Unknown

Vice Ganda kinausap ang pumatay sa tatay

Hinding-hindi makalilimutan ni Vice Ganda ang taong bumaril at nakapatay sa kanyang ama ilang taon na ang nakalilipas. Sariwa pa rin sa isipan ni Vice ang buong pangyayaring iyon. “Palaspas ‘yon, Linggo ng Palaspas tapos magsisimba ‘yung buong pamilya ko kasi relihiyoso ang nanay ko. Noong magsisimba na ‘yung buong pamilya ko, nakabihis na sila. Ako, nasa loob pa ng bahay. Tapos ‘yung tatay ko, nasa labas, nakaistambay. Tapos may tumatakbo, nagkakagulo na naman. Sabi sa nanay ko, ‘Si Mang Rey po, napaaway, napa-trouble.’ Paglabas nila, binabaril na ‘yung tatay ko,” kwento ni Vice.
Hindi raw kailanman nakulong ang pumatay sa ama niya kahit maraming mga tao sa kanilang barangay ang nakakita sa insidente. Ayon naman kay Vice ay napatawad na niya ang killer ng kanyang tatay. Nagbigay din ng mensahe ang komedyante para sa taong ito noong Martes sa Magandang Buhay. “Dumating ako sa punto na ipinagpasa-Diyos ko na lang lahat. Binitawan ko siya. Nalaman kong hindi na maganda ang kalusugan niya kasi doon pa rin siya nakatira sa amin. Sabi ko do’n sa mga kaibigan ko. Gusto ko siyang pumunta para sabihin sa kanya matagal na ho kitang pinatawad ha. At kung ‘yun ho ang nagpapabigat sa kalooban n’yo ngayon, kung nanonood siya ngayon, gusto kong malaman mo ang tagal-tagal na kitang napatawad. Baka mabigat pa ang kalooban mo, lalong nagpapahina ng katawan mo ito ngayon, gusto kong malaman mo na wala ka nang iisipin sa amin, sa buong pamilya namin, sa nanay ko, sa mga kapatid ko. Napatawad ka na namin. Malayang-malaya ka na sa galit mula sa pamilya namin,” emosyonal na pahayag ni Vice.

Piolo masaya sa relasyon nina KC at Aly

Noong Linggo ay kinumpirma ni Toni Gonzaga ang kanyang pagbubuntis sa ASAP. Posibleng isa ito sa mga dahilan ng pansamantalang pagkakatigil ng taping ng teleseryeng Written In Our Stars na pinagbibidahan nina Toni, Sam Milby, Jolina Magdangal, at Piolo Pascual. “For now, we’re not sure what’s gonna happen. Of course, we have to respect, kasi di naman natin pwedeng pigilan ‘yon. We’re just here no matter what happens. Hintay lang tayo,” pahayag ni Piolo.
Ayon sa aktor ay noong Linggo lamang din niya nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Toni. “Nalaman ko lang noong Sunday, salamat naman. We never had a chance to talk. But you know, I’ll always support (Toni) because she’s a good friend. And we have to give our time because first baby rin naman niya ito,” pagbabahagi ng aktor.
Samantala, nagbigay ng reaksyon si Piolo tungkol sa napabalitang nasa dating stage na ang dating kasintahan na si KC Concepcion at ang football player na si Aly Borromeo. “I’m happy for her,” maikling pahayag ni Piolo.

Unknown

About Unknown -

Author Description here.. Nulla sagittis convallis. Curabitur consequat. Quisque metus enim, venenatis fermentum, mollis in, porta et, nibh. Duis vulputate elit in elit. Mauris dictum libero id justo.

Subscribe to this Blog via Email :